Lyrics

[Verse 1]
Nais ko lamang ay mapansin
Mo ang aking mga hiwatig, sadya ka bang manhid?
Bulgaran na nga ang aking pagpaparinig
Ako'y delikado lang sa'yo
Naka-ilang ulit narin ako ng mga damit
Lahat pa'y, paborito ko
Wala ka ba talagang pakiramdam, o tama lang din ang
Aking kutob na gusto mo rin ako
[Chorus]
‘Wag mo na sanang pabitinin pa
Kung patungo lang din tayo sa
Inaasam na hangganan
Oh Ms. Pakipot ating paikot-ikot
'Wag na nating pahabain pa 'lika dito ka
Oh Ms. Pakipot ating paikot-ikot
‘Wag na nating pahabain pa
[Verse 2]
Kasi isang beses ay nahuli kitang
Ngumiti nung narinig mo 'king himig
'Di sa pagiging mayabang
Kaya kong paghirapan makamtan lamang ang gantimpala
Ikaw at ako, sa rurok ng wastong
Paraan na tayo lang ang makakaalam, yeah
At malalaman lang natin kung susubukan mo
Akong mahalin, mahalin mo na 'ko please
[Chorus]
'Wag mo na sanang pabitinin pa
Kung patungo lang din tayo sa
Inaasam na hangganan
'Wag mo na sanang pabitinin pa
Kung patungo lang din tayo sa
Inaasam na hangganan
Oh Ms. Pakipot ating paikot-ikot
'Wag na nating pahabain pa 'lika dito ka
Oh Ms. Pakipot ating paikot-ikot
'Wag na nating pahabain pa
[Outro]
Oh Ms. Pakipot ating paikot-ikot
'Wag na nating pahabain pa 'lika dito ka
Oh Ms. Pakipot ating paikot-ikot
'Wag na nating pahabain pa
Written by: Adrian Garcia
instagramSharePathic_arrow_out