Lyrics
[Chorus]
Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ikaw aking musika
[Verse 1]
Kung dumating ang araw na hindi na maalala ng
Iyong mata ang aking mukha
Mahal huwag kang mag-alala
Tanda naman ng puso ang
Itsura ng naging pagsinta
[PreChorus]
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay ibabalik no'ng una kang nakita
Muli kang liligawan nang muli kong
Maranasan ang umibig sa anghel sa lupa
[Chorus]
Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ikaw aking musika
[Verse 2]
Kung utak ay hindi na kayang
Gumawa ng melodiya
Para pisngi mo'y pumula
Memorya ko man ay wala
Nakatatak na sa tadhanang
Minsan sa'yo'y namangha
[PreChorus]
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay ibabalik no'ng una kang nakita
At aking iuulat sa iyong umabot nang walang-hanggan
Ang 'storya nating dal'wa
[Chorus]
Ikaw lang, mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ikaw aking musika
[Chorus]
Ikaw lang mahal, laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ako ang 'yong musika
Written by: Tim Dionela