Music Video

Adie - Tahanan (Official Lyric Video)
Watch Adie - Tahanan (Official Lyric Video) on YouTube

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Adie
Adie
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Adrian Garcia
Adrian Garcia
Songwriter

Lyrics

[Verse 1]
Sa araw, araw tanging ikaw ang
Palagi kong hinahangad
Laging tanaw sa'yo ang ilaw
Na nagsisilbi kong liwanag
[Verse 2]
Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal, giliw
Namumukod tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa'kin
Sa'yo lang, sa'yo lang ako uuwi
[Chorus]
Kaya naman
Dito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan
Oh, aking tahanan
Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Oh, aking tahanan
La-la, ta-da, ta-da, ta-da, ta-da, mm
[Verse 3]
Sa bawat sandali na tayo
Ay magkayakap ng mahigpit
Taglay mong init ang bumabalot sa'king
Nilalamig na damdamin
[Verse 4]
Tayong dalawa'y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon
Hindi maitatanggi na sa akin
Ikaw ang tanging tiyak, aah
Ikaw lang, ikaw lang ang tinatangi
[Verse 5]
Ikaw lang at ako ang naaaninag
Sa gitna ng paraiso na ating sinimulan
Oh, aking tahanan
[Bridge]
Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti
Negatibo na nakadikit sa'king labi
Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
Katotohanan na hindi ko maitatanggi
Na mahal kita, walang iba
[Chorus]
Kaya naman
Dito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan
Oh, aking tahanan
Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Dito ka sa piling ko
Negatibo na nakadikit sa'king labi
Bumabagal ang ikot ng mundo
Katotohanan na hindi ko maitatangi
Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Oh, aking tahanan
Written by: Adrian Garcia
instagramSharePathic_arrow_out