Lyrics

[Verse 1]
Sa unang tingin agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit
[Verse 2]
Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman
[PreChorus]
Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay
[Chorus]
O, Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso
Palagi kitang aawitan ng kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita, hanggang sa walang hanggan
[Verse 3]
Mga gunita na laging naiisip, sumisilip
Ang itinakda ng mahiwaga
Liwanag na dulot mo
Nagbigay-sinag sa madilim kong mundo
Ibang-iba ako kapag ikaw na ang kapiling
Sumisiping ang buwan at mga bituin
Na para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan
[PreChorus]
Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay
[Chorus]
O, Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso
Palagi kitang aawitan ng kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita, hanggang sa walang hanggan
[Refrain]
Pa-ra-pa-pa, paraluman
Pa-pa, pa-ra-pa-pa
Pa-ra-pa-pa, para, paraluman
Pa-pa, pa-ra-pa-pa
Pa-ra-pa-pa, para, paraluman
[Bridge]
Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na
Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na
Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na
[Chorus]
Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso
Palagi kitang aawitan ng kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita
Mamahalin kita hanggang sa walang hanggan
Written by: Adrian Garcia
instagramSharePathic_arrow_out