Lyrics
[Verse 1]
Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila mayro'ng pahiwatig, ako'y nananabik
'Di naman napilitan, kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan
[PreChorus]
Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso
[Chorus]
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita
[Verse 2]
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan
Bini-bigyang kulay ang larawan na para bang
Ikaw ang nag-iisang bituin, nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap, ang tayo lamang ang tanging magaganap
[PreChorus]
Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso
[Chorus]
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa'yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita
[Bridge]
(Gusto kita, gusto kita, gusto kita, gusto kita) Ano'ng salamangkang mayro'n ka?
(Gusto kita, gusto kita) Binabalot ka ng mahika
(Gusto kita, gusto kita) Ano'ng salamangkang mayro'n ka?
(Gusto kita, gusto kita) Ako'y nabihag mo na, ah
[Verse 3]
Ako na nga'y nabihag mo na
Nang 'di naman talaga sinasadya
'Pagkat itinakda yata tayo para sa isa't isa
Giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo ang
Da-da-da-damdamin ko
Da-da-da-da-dam-damdamin ko
[Outro]
Giliw, giliw, giliw
Napagtanto na gusto kita
Written by: Adrian Garcia, Janine Berdin