Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Zack Tabudlo
Zack Tabudlo
Vocals
Al James
Al James
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Zack Tabudlo
Zack Tabudlo
Songwriter
Al James
Al James
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Zack Tabudlo
Zack Tabudlo
Producer

Lyrics

[Verse 1]
Ako'y natutulala, araw-araw nakikita
Hindi alam ako'y nakamasid
Hindi mo lang ako napapansin
Hanggang tingin na lang ba sa'yo?
'Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa, kase medyo nahihiya
[PreChorus]
Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na
[Chorus]
Gusto lang kita makasama hanggang sa
Pagbaba ng araw 'pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo
Ang nararamdaman ng aking puso, wala ng iba
'Wag ng pahirapan pa, andito na
[Verse 2]
Totoo na nga ba 'to?
Medyo hindi napagtanto, matagal na kitang kilala
Simula palang nung una, andito na
Ang hirap din patagalin kasi maraming nakakapansin
Lahat nabibighani hindi ko naman masisi
[PreChorus]
Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na
[Chorus]
Gusto lang kita makasama hanggang sa
Pagbaba ng araw 'pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo
Ang nararamdaman ng aking puso, wala ng iba
'Wag ng pahirapan pa, andito na
[Bridge]
Hindi rin makaimik kahit pa makatabi
Nawawala aking tapang
'Pag malapit ka na bigla akong naduduwag
Mangangarap na lang ba na ikaw ang kasama?
Ayoko ng mag-isa
Al James, let's go
[Verse 3]
Kabado pa nung una, plano makausap
Lakad pa kalmado pero parang nalulula
Daming nakausap, 'kaw ang napusuan
Bini-bini, gagawan ng paraan makuha ka
Ikaw na nga 'yon at walang iba
Okay lang 'yan, mundo man natin ay magkaiba
Mapagod man ako, ikaw ang aking pahinga
Sabay sasalubungin ang umaga ng nakahiga
Sa t'wing kasama ka para 'kong lumulutang
Kung ga'no kasaya, 'yun ang 'di ko masukat
Lakas ng amat, 'di kaya ko ginayuma
Hanggang ngayon kapit pa rin sa aking halimuyak niya
Gumagaan lahat ng mabigat
Patuloy lang tayo sa pagliyab
Kung lahat 'to panaginip lang
Pag gising ko, pangako 'yan agad ko sasabihin na
[Chorus]
Gusto lang kita makasama hanggang sa
Pagbaba ng araw 'pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo
Ang nararamdaman ng aking puso, wala ng iba
'Wag ng pahirapan pa, andito na
Written by: Al James, Zack Tabudlo
instagramSharePathic_arrow_out