Lyrics

[Verse 1]
Nanlalamig
Hinihintay na bumalik
Pangakong tinangay ng hangin
Nagtataka
Ba't lumisan ka na lang bigla?
Na para bang walang nangyari
Minahal ngunit kunyari
[PreChorus]
Nangakong habang buhay kang kasama
Oh, bakit hanggang dulo'y 'di sumama?
[Chorus]
Akala ko ay tayo na, umaasang
Wala nang luluha pa sa'ting dalawa
Inakalang ikaw ang sagot sa dalangin
Bakit ngayo'y wala ka na?
Akala ko'y hindi na
Mawawalay pa sa isa't isa
Akala lang pala
[Verse 2]
'Di umiimik
Luha'y tago sa'king mga ngiti
Puso'y pangalan mo ang sinasabi
Kay hirap tanggapin
Ako'y bigo sa'king mga hiling
Nakatadhanang 'di ka para sa akin
Mga bulong ng pusong sinungaling
[PreChorus]
Nangakong habang buhay kang kasama
Oh, bakit hanggang dulo'y 'di sumama?
[Chorus]
Akala ko ay tayo na, umaasang
Wala nang luluha pa sa'ting dalawa
Inakalang ikaw ang sagot sa dalangin
Bakit ngayo'y wala ka na?
Akala ko'y hindi na
Mawawalay pa sa isa't isa
Akala lang pala
Akala lang pala
Written by: Dionela
instagramSharePathic_arrow_out