Credits
PERFORMING ARTISTS
Cup of Joe
Performer
Janine
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Janine Tenoso
Songwriter
Raphaell Ridao
Songwriter
Gian Bernardino
Songwriter
Vixen Gareza
Songwriter
Redentor Ridao
Songwriter
Cup of Joe
Arranger
Shadiel Chan
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Shadiel Chan
Producer
Lyrics
[Intro]
Dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan
[Verse 1]
Mga saglit na inilikha, kakaiba ang tama
Ng sinag sa'yong kutis na kayumanggi
Oh, sa'n ba 'ko dinadala?
Bawat ngiting biglaang nabura iyong naipinta
Hiwaga ng 'yong tingin nang-aalipin
Kahit sa'n man madala
[Chorus]
'Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
[Verse 2]
Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan
May dumadapong kiliti na 'di maunawaan
Walang imik, 'di mabanggit nasa aking isip
Ikaw lang ang nagmamarka
Kahit mabitin aking salita, mata'y ibinubunyag na
Sa'yo lang magpapa-angkin, 'di palalampasin
'Wag ka sanang kumawala
'Di mawawala
[Chorus]
'Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ako'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
[Refrain]
Oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh
[Bridge]
'Di man alam ang darating
Sa dulo at sa gitna ng dilim
Sa liwanag mo nakatingin
Sa'yo nakatingin, sa'yo lang ang tingin
'Di man alam ang darating
Sa dulo at sa gitna ng dilim
Sa liwanag mo nakatingin
Sa'yo nakatingin, sa'yo lang ang tingin
[Chorus]
'Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
'Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran, sa'yo lang ang tingin
'Di pinapansin, ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
Written by: Gian Bernardino, Janine, Raphaell Ridao, Redentor Ridao, Vixen Gareza