Lyrics
[Verse 1]
Tinatangi, maaari bang sumagi
Sa landas na tinatahak ng mga
Mata mong ngumingisi?
Oh, aking 'di mawari
Dahilan ng paghahari mo sa'king
Kaisipang hindi makahindi
[PreChorus]
Marahan na pagkurba ng aking mga labi
Sabay sa marahan mong tingin
[Chorus]
Mahabaging mata mo'y suma akin
Nabanaagan aking damdamin
'Di man ipahalata
Bawat hangin mong buga
Ang kapanatagan ko
Walang ibang nais aninagin
Ikaw liyag ang siyang aakapin
Sa iyo tumutugma
Isip ko't kaluluwa
Sa maingay na mundo
Ikaw ang pahinga
[Verse 2]
Bawat hawi mo sa'yong buhok
Ay lalong lumalalim ang pagtangi ko
Sa'yo't aking pagkabighani
[PreChorus]
Paboritong kurba ang 'yong mga labi
Ngiti mo sa'ki'y paratingin
[Chorus]
Mahabaging mata mo'y suma akin
Nabanaagan aking damdamin
'Di man ipahalata
Bawat hangin mong buga
Ang kapanatagan ko
Walang ibang nais aninagin
Ikaw liyag ang siyang aakapin
Sa iyo tumutugma
Isip ko't kaluluwa
Sa maingay na mundo
Ikaw ang pahinga
[Chorus]
Mahabaging mata mo'y suma akin
Nabanaagan aking damdamin
'Di man ipahalata
Bawat hangin mong buga
Ang kapanatagan ko
Walang ibang nais aninagin
Ikaw liyag ang siyang aakapin
Sa iyo tumutugma
Isip ko't kaluluwa
Sa maingay na mundo
Ikaw ang pahinga
[Outro]
Tinatangi, maaari bang
Hayaan mo'kong salubungin ang
Bawat kurba mo?
Written by: Alvin Serito