Featured In
Top Songs By December Avenue
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
December Avenue
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ronzel Bautista
Songwriter
Lyrics
[Verse 1]
Sandali, 'wag kang mapupuno sa paghihirap
Darating din ang pagasa mong pinapangarap
Hindi ba sapat na ika'y mayro'ng pagibig
Nasa puso mong hindi maipapalit
Ika'y ngumiti
[Verse 2]
Ihip ng hangin sa kamay mong malamig
Daing na tinig nasa aking pandinig
Liliparin ang isipan mo't damdamin
Makarating pa kaya sa kaniyang piling
Ika'y pumikit
[Chorus]
Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw ako'y iyong iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw
[Verse 3]
Sandali, 'wag mong pigilan ang iyong pagluha
Damdamin mo'y aahon sa tumigil na tadhana
Aabutin ng 'yong palad ang hangarin
Makarating pa kaya sa kaniyang piling
Ika'y pumikit
[Chorus]
Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw ako'y iyong iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw
[Bridge]
At kung sa bawat higpit ng aking pagdaramdam
Ay hindi ka malapitan
Makikiusap na lang
[Chorus]
Kung panalangin ko'y 'di marinig
Abutin man ng bawat sandali
Kailangan kong isigaw ako'y iyong, iyo
Ang dalangin ng puso'y ikaw
[Outro]
Ang dalangin ng puso'y ikaw
Ang panalangin sana'y marinig
Written by: Ronzel Bautista