Music Video

Ako Naman Muna - Angela Ken (Lyric Video Visualizer)
Watch Ako Naman Muna - Angela Ken (Lyric Video Visualizer) on YouTube

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Angela Ken
Angela Ken
Lead Vocals
Angela Ken Rojas
Angela Ken Rojas
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Angela Ken
Angela Ken
Songwriter
Angela Ken Rojas
Angela Ken Rojas
Songwriter
Tim Recla
Tim Recla
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Jonathan Manalo
Jonathan Manalo
Producer

Lyrics

Kada hakbang sa lupa’y
Para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga
Problemang ‘di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas
Pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili ngunit ‘di na
Kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
‘San na ‘to patungo?
‘San na ‘ko patungo?
Dahan-dahan nating simulan
Muli ang pag-hakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na
Pero ‘di ka nag-iisa
Kaya’t lumaban ka
At sabihing
“Ako naman muna”
Kada langhap sa hangin
Pansin ko na lagi nalang usok
Walang malinis, halos puro polusyon
Parang ako raw na konsumisyon
Gulong-gulo ang isip ‘san
Ba lulugar kapag nagkamali
Grabe sila manghusga
Bakit, perpekto ba sila?
Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa
Paroroonan
Kung dahan-dahan nating simulan
Muli ang pag-hakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na
Pero ‘di ka nag-iisa
Kaya’t lumaban ka
At sabihing
“Ako naman muna”
"Ako naman muna"
Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok
Ang puso mo sa ibabato sa’yo ng iba
Tandaan mong sapat ka
Dahan-dahang tanggalin ang maskara
At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang mga taong ika’y pinapahalagahan
Oo, pagod ka na
Pero ‘di ka nag-iisa
Kaya’t lumaban ka
At sabihing
“Ako naman muna”
“Ako naman muna”
Written by: Angela Ken, Angela Ken Rojas
instagramSharePathic_arrow_out