Music Video

Gloc 9 - Simpleng Tao (Audio) 🎵 | i Star
Watch Gloc 9 - Simpleng Tao (Audio) 🎵 | i Star on YouTube

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Lead Vocals
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter

Lyrics

[Verse 1]
Habang tumutunog ang gitara sa'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking isinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali
At 'wag kang mag-atubili, dahil
[Verse 2]
Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba
Ganito man ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo
Ay ang
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Na umaasa hanggang ngayon
[Verse 3]
Hindi mo namang kailangan ng sagutin
Ang aking hinihiling, nais na maparating
Na 'di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa, 'di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
Upang makasama ka, kapag nakikita ka
Lagi kang aalalayan, kahit ano man ang 'yong
Mga ibinubulong, malalim pa sa balon
Ito lamang ang
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Humingi na ba ng saklolo?
[Verse 4]
Kay Spider-Man o kay Batman
Kay Superman o Wolverine
Kahit 'di maintindihan
Baka sakaling pansinin
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo
Ay ang pag-ibig
[Bridge]
Ko sa'yo, ito'y totoo
Wala nang iba, ikaw at ako
Lang ang nasa isip at panaginip
'Pag nakikita ka, sasabihin ko'y
Nawawala, ikaw na nga
Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang
Kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo
Ay ang
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo
[Outro]
Sa pag-ibig mo
Sa pag-ibig mo
Maniwala ka sana sa akin
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Sa pag-ibig mo
Maniwala ka sana sa akin
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Sa pag-ibig mo
Maniwala ka sana sa akin
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Sa pag-ibig mo
Maniwala ka sana sa akin
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Written by: Aristotle Pollisco, Christian Martinez
instagramSharePathic_arrow_out