Featured In
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Cup of Joe
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Edgar Gian Bernardino
Songwriter
Raphaell Ridao
Songwriter
Lyrics
[Verse 1]
'Di na alam kung ba't na ganito
Mga kilos ay nagbago
Pipilitin pa ba o kusang lalayo?
Sa puso mong nanlalabo
[Verse 2]
Ang dating alam, panaginip na lang
Mga sana'y 'di mabilang
Hinahanap-hanap, tamis ng nakaraan
Ba't tinatalikuran?
[Chorus]
Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa'yo
Minamahal kong estranghero
[Verse 3]
Lagi na lang akong nangangapa
'Di na kita matimpla
Hanggang dito na lang ba tayong dalawa?
Pupunta na lang ba sa wala?
[Chorus]
Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?
'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
'Di alam ang sasabihin
'Di alam ang aking gagawin
Kung mananatili sa'yo
Minamahal kong estranghero
[Bridge]
'Di man lang nagsabi, biglang umalis
Kasama ka, ngunit ba't nangungulila pa rin
'Di mapinta ang nadarama
Ang anino mo'y 'di na makilala
[Chorus]
Kahit na litong-lito sa iyo pa rin tutungo
'Di man sigurado, 'di pa rin hihinto
Isa lang ang sasabihin
Isa lang ang aking gagawin
Muli kitang kikilalanin
Minamahal kong estranghero
Written by: Edgar Gian Bernardino, Raphael Severino, Raphaell Ridao, Redentor Immanuel Ridao, Vixen Gareza