Lyrics

[Verse 1]
Balang araw ay kakayanin ko ring
Makita na ikaw ay wala na sa'king piling
Kahit na mahirap kalimutan ang lahat ng alaala
Iyong tandaan na ako'y masayang ika'y malaya na
[PreChorus]
Ako ay pipikit
Hihinga ng malalim
Sa huli ay bibitaw
[Chorus]
Sagada, kung sa'n lahat ay isinigaw
Sa langit na ikaw ay muling matanaw
Sagada, ang tagpuan kung sa'n itinakdang magwakas
Ang kwento ng ako at ikaw
Ikaw ang natitirang takbuhan
Ng pusong ligaw at giniginaw
[Verse 2]
Bawat ngiting sa aki'y tumatak
Ang kapalit ay mga luhang pumapatak
Ako'y nawawasak
[PreChorus]
Ako ay pipikit
Hihinga ng malalim
Sa huli ay bibitaw
[Chorus]
Sagada, kung sa'n lahat ay isinigaw
Sa langit na ikaw ay muling matanaw
Sagada, ang tagpuan kung sa'n itinakdang magwakas
Ang kwento ng ako at ikaw
Ikaw ang natitirang takbuhan
Ng pusong ligaw at giniginaw
[Chorus]
Sagada, kung sa'n ikaw ay bumitaw
Kung sa'n binulong ang lahat ng sigaw
Sagada, kung sa'n lilimutin ang sakit
Na dulot ng iyong pagalis
[Chorus]
Sagada, kung sa'n lahat ay isinigaw
Ay isinigaw
Sa langit na ikaw ay muling matanaw
Muling matanaw
Sagada, ang tagpuan kung sa'n itinakdang magwakas
Paalam na, paalam na
Ang kwento ng ako at ikaw
Ako ay bibitaw na
Ikaw ang natitirang takbuhan
Ng pusong ligaw at giniginaw
[Outro]
Sagada
Written by: Gian Bernardino
instagramSharePathic_arrow_out