Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Up Dharma Down
Up Dharma Down
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Carlos Tanada
Carlos Tanada
Songwriter
Paul Yap
Paul Yap
Songwriter
Armi Millare
Armi Millare
Songwriter
Leandro Mayor
Leandro Mayor
Songwriter

Lyrics

[Verse 1]
'Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
'Di mo lang alam, hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli
[PreChorus]
Nagtapos ang lahat sa 'di inaasahang
Panahon at ngayon ako'y iyong iniwang
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
[Chorus]
Sana nagtanong ka lang, kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang, kung 'di mo lang alam
[Verse 2]
Ako'y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin
Hanggang ngayon para sa'yo
[PreChorus]
Lumipas mga araw na ubod ng saya
'Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal, ngayon lang nagmahal
[Chorus]
'Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana'y ako naman
'Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang, hindi mo lang
Pala alam, hindi mo lang alam
[Verse 3]
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa t'wing nagkukulitan
Baka sakali lang, maisip mo naman
Ako'y nandito lang, hindi mo lang alam
Matalino ka naman
[PreChorus]
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana 'di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
[Chorus]
'Di mo lang alam, ako'y 'yong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana'y ako naman
'Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Na sana iyong mamalayang hindi mo lang
Pala alam, oh, woah, oh
[Outro]
Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
'Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan
Written by: Armi Millare, Carlos Tanada, Leandro Mayor, Paul Yap
instagramSharePathic_arrow_out