Lyrics
[Verse 1]
Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig, wari ko'y 'di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka
[PreChorus]
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso
[Chorus]
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
[Verse 2]
Ikaw kaya ay nais din
Akong maka-piling at ibigin
Oh, kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
[PreChorus]
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso
[Chorus]
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
[Bridge]
O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Na pag-ibig na tunay at 'di magwawakas, oh
[Chorus]
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
[Chorus]
Ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko, pangarap ko, pangarap ko
Ang ibigin ka
Written by: Ogie Alcasid