Featured In
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Regine Velasquez
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Sakiya Kenjiro
Composer
Larry Chua
Composer
Lyrics
Pinilit kong limutin ka
Nang iwan mong bigo ang puso ko
Nilimot na kita sa buhay kong mag-isa
Ngunit bakit ngayo'y ikaw pa rin ang hinahanap ko
Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iniibig kita, 'yan ang sigaw ng puso ko
Sa'n ka man naroroon pa
Una pa lang nakita ka
Ang buhay ko'y laan na sa iyo
Kapwa tayong hibang nangakong mag-iibigan
Binigay ko'ng lahat, minahal ka nang buong tapat
Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iniibig kita, 'yan ang sigaw ng puso ko
Sa'n ka man naroroon pa
Hindi kahit 'sang saglit
Mawawaglit sa puso kahit kailan
Babalikang muli kahit ako'y nasasaktan
Hindi kita malilimutan
Kahit na sabihin na luluhang muli sa'yo
Ibabalik ko ang kahapon
O babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iibigin ka, oh
Mahal pa rin kita sa'n ka man naroroon pa
Written by: Larry Chua, 崎谷健次郎