Lyrics

Pag-asa nasaan ka?
Ba't sumama sa paglisan niya?
Kung babawiin ang mga nasabi
Babalik ba sa'king tabi?
Saan ba magsisimula
Kung ako'y umaasa pa?
Naniniwala sa'yong pangako
Na hinding-hindi susuko
Ba't 'di man lang nagpaalam?
O 'di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat?
Paalam
Pagbigyan ang aking tugon
Huwag iwan sa imahinasyon
Kahit na huling sulyap na lamang
Malaman lang na 'di nagkulang
Ba't 'di man lang nagpaalam
O 'di lang ikaw yung nasaktan
'Di pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Ba't di man lang pinaalam
O 'di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam
Sa ating nakaraan
Paalam
Sa mga pinagsisihan
Paalam
Sa aking nadarama
Paalam
Kaya ko na ng wala ka
Paalam
Sa naging pagmamahalan
Paalam
Sa mga pangakong naiwanan
Paalam
Wala na kong pagsisisihan
At sa wakas ay kakalimutan
Kahit 'di nagpaalam
'Di bale na kung nasaktan
Ika'y naging sapat
Kahit tinapon ang lahat
Paalam
Written by: Jason Marvin Hernandez, Moira Dela Torre, Paolo Guico
instagramSharePathic_arrow_out