Top Songs By Maricris Garcia
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Maricris Garcia
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Natasha Correos
Composer
Lyrics
Maglalaho pa ba ang sakit
Ng kahapong 'di na maibabalik?
Pangalan mo sa puso ay nakaukit
Singlalim ng sugat na iyong iginuhit
Ngunit panahon lang ang makakaalam
Kung kailan maghihilom ang pusong sugatan
Kahit gano'n pa man, pag-ibig sa 'yo'y ipaglalaban
Ilang beses pang masaktan, 'di magagawang ikaw ay bitawan
Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo
Lahat matitiis 'pagkat ikaw ang minamahal ko
Kahit gano'n pa man
Mahirap man na limutin
Pagkakamali mo'y aking patatawarin
Ngunit panahon lang ang makakaalam
Kung kailan maghihilom ang pusong sugatan
Kahit gano'n pa man, pag-ibig sa 'yo'y ipaglalaban
Ilang beses pang masaktan, 'di magagawang ikaw ay bitawan
Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo
Lahat matitiis 'pagkat ikaw ang minamahal ko
Kahit gano'n pa man
Kahit gano'n pa man
Kahit na gano'n pa man, pag-ibig sa 'yo'y ipaglalaban
Ilang beses pang masaktan, 'di magagawang ikaw ay bitawan
Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo
Lahat matitiis 'pagkat ikaw ang minamahal ko
Kahit gano'n pa man
Written by: Natasha Correos