Credits
PERFORMING ARTISTS
Himig Borhuh
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Himig Borhuh
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Himig Borhuh
Producer
Lyrics
Yeah yeah
Yeah yeah yeah
'Nong pakiramdam lumakas na yung mahinang
Sinasabihan dati, ngayon dinamita
Yung tinatapon tila ayaw magpatila
Kung oras mo na di ka dapat mangatwiran
Sa mga dumarating lahat yan tatanggapin
Buo na ang loob at hindi na dadagain
Handa nang mairaos
Talagang isasagad oras na makatapos
Yeah yeah yeah
Matagal na panahon mula nung nag simula
Hinubog ng kahapon tas binuhos sa pag-tula
At sumusulat loob ng kwarto na masikip
Mainit tapos kung minsan pa nga ay nanlalagkit
Pero di yun dahilan para ako ay tumigil
Yung gutom lumala at mas lalo lang nang gigil
At hindi na iniisip kung ano man dumating
Yung problema nga ng kahapon pinanis ko lang yun men
Handa nang abutin kung ano yung para sakin
Wala na 'kong pake sa maraming sinasabi
Ni hindi naman kayang panindigan lahat boka
Ah basta ngayon plano, makasuot ng toga
Maraming salamat sa mga patuloy na suporta
Maraming salamat kung nung una di naniwala
Lahat ng mga yan ay ginawa kong gasolina
Dito sa biyaheng paabutin kahit pa kuminta
'Nong pakiramdam lumakas na yung mahinang
Sinabihan dati, ngayon dinamita
Yung tinatapon parang ayaw magpatila
Kung oras mo na di ka dapat mangatwiran
Sa mga dumadating lahat yan tatanggapin
Buo na ang loob at hindi na dadagain
Handa nang mairaos
Talagang isasagad oras na makatapos
Talagang isasagad kahit nakakapagod
Mga planong inakda, naniniwalang tinakda to
Tinawid mga banta't masasakit na salita
Oh men hindi na mababasag momentum na malakas
Kasi nga dumadalas mga magagandang bagay
Bunga ng di pag atras
Walang takot aabante, oras 'di mawawaldas
Sige sige ang paspas
Panoorin niyo ko gampanan 'tong aking palabas
Natutunan ko na mahalin mga bagay kahit maliit
Kahit na pangit ang simoy ng hangin nilabanan pa rin ang pagkainip
Sarili lamang ang kalaban, misyon ko ay mahigitan
Diploma'y malapit ko nang maabot kaya dapat ko nang galingan
Kahit na anong pasikot sikot hahanap ng way
Isa man o libo libo magtiwala saking play
Asintado kahit no look, may kumpyansa saking aim
Manood ka pano i-tattoo ang name ko sa game
'Nong pakiramdam lumakas na yung mahinang
Sinabihan dati, ngayon dinamita
Yung tinatapon parang ayaw magpatila
Kung oras mo na di ka dapat mangatwiran
Sa mga dumadating lahat yan tatanggapin
Buo na ang loob at hindi na dadagain
Handa nang mairaos
Talagang isasagad oras na makatapos
Written by: Himig Borhuh