Credits
PERFORMING ARTISTS
Himig Borhuh
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Himig Borhuh
Arranger
Julian Dimaandal
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Himig Borhuh
Producer
Lyrics
Kung minsan darating tayo sa puntong hindi na alam
Ang gagawin sa ating buhay na pinahiram
Kasalanan bang tumagal kasi sumugal sa goal?
Inalam lahat ng mga sagot sa marami kong tanong
Yeah yeah
Ano ba talaga
Sinagad na nang tadhana, kita ang pagkadapa
May halong pagkabigo
Kung napabayaan ang sarili malamang tigok
Mga tunay na nanatili salamat sa inyo
Hindi na hahayaan na masayang ang lahat
Tiwala't magbubunga rin mga luhang pumatak
Mga gabi na puyat
Mga bagay na wala ay darating 'di man agad
Kasi ganyan talaga
Ayos lang kahit sa simula nangangapa
Kung di mo kabisado ay wag kang magpapanggap na alam mo lahat
At laging tandaan ang kahinaa'y matanggap
Ganyan talaga
Kailangan mong hanapin ang tunay mong halaga
Wag na wag magpapatinag sa problemang malala
Yeah
Ipagpag mo lang kapag ika'y nadapa
Maniwala sa sarili na merong mapapala
Tumingala sa langit kapag natutulala
At sa biyahe wag tumigil kahit maraming lubak
Pag nawawalan nang gana men tara umindak
Yeah
Minsan lang mabuhay kaya
Ganyan talaga
Ganyan talaga
'Di mo kontrolado wala kang magagawa
Wag magpanggap na kabisado lalo kang mawawala
Matutong tumanggap ng pagkatalo
Ganyan Talaga
Kasi ganyan talaga sa una madadapa
Bago mo makabisado ikaw ay mangangapa
Magkakamali ka muna bago maging bihasa
Padayon lang sa proseso oo ganyan talaga
Eh ano naman ngayon kung sila ay nandoon
May sarili akong lakad, may sariling direksyon
Kanya kanyang panahon, meron pang kompetisyon
Sarili lang ang tatalunin pagdating nang panahon
Kaya kailangan kong galingan
'Di lang para sakin
Para din to sa mga naniwala sakin
Ohhh
'Di madali pero 'di ko na titigilan to
Sa susunod makikita mo andun to sa tuktok
Ganyan talaga
Kailangan mong hanapin ang tunay mong halaga
Wag na wag magpapatinag sa problemang malala
Yeah
Ipagpag mo lang kapag ika'y nadapa
Maniwala sa sarili na merong mapapala
Tumingala sa langit kapag natutulala
At sa biyahe wag tumigil kahit maraming lubak
Pag nawawalan nang gana men tara umindak
Yeah
Minsan lang mabuhay kaya
Ganyan talaga
Kahit na anong pasikot sikot hahanap ng way
Isa man o libo libo magtiwala saking play
Asintado kahit no look, may kumpyansa saking aim
Manood ka pano i-tattoo ang name ko sa game
Kasi I know my play kaya goal I win it (win it)
On my lane kaya 'di makasingit (singit)
Own my game, 'di ko na pinipilit
On the way papunta ng mili (mili)
Writer(s): Himig Borhuh, Julian Dimaandal
Lyrics powered by www.musixmatch.com