Music Video

Featured In

Credits

COMPOSITION & LYRICS
John Paulo Nase
John Paulo Nase
Songwriter
Joshua Daniel Nase
Joshua Daniel Nase
Songwriter

Lyrics

Ahh
Hakbang palabas sa kuna, piglas sa akap ni Kuma
Gutom, sa 'yo humihila, ikaw na mismo ang kukuha
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa, tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta, silaban mo na'ng mitsa
(Oh, oh, oh, oh)
Silaban mo na
(Oh, oh, oh, oh)
Sige na
Hakbang palabas sa kuna, piglas sa akap ni Kuma
Gutom, sa 'yo'y humihila, ikaw na mismo ang kukuha
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa, tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta, silaban mo na'ng mitsa
Nagsimula'ng patikim-tikim, nagawa ko pang ikimkim
Ngunit pagod na 'tong mag-atabuli, lumakad sa daang madilim
Na para bang nagpapatintero sa sarili ko na negatibo
'Di ko kaya iwan na bukas 'yong gripo sa baradong lababo, kaya naman
Kayamanang binaon sa lupa
Huhukayin na hanggang makita
Kung malalim, 'di man alintana
'Di titigil 'gang makuha
Ang sabi ni Inay
"Naku po, ikaw ba'y sigurado sa gagawin mo?"
Ang sabi ni Itay
"Ano? At paano na ang mga plano?"
Hakbang palabas sa kuna, piglas sa akap ni Kuma
Gutom, sa 'yo humihila, ikaw na mismo ang kukuha
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa, tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta, silaban mo na'ng mitsa
Sa'n ka nga ba dadalhin ng 'yong mga paa
Kung dala-dala mo'ng pagdududa?
'Rap lang tingin, basta't gawin, at darating din
'Di bale nang pagong kaysa matsing
Uulan ng kamalasan
At sasaluhin mo'ng lahat ng 'yan
Bago mo makuha'ng pinakainaasam
'Wag kang susuko, pagsubok lang 'yan
'Pag ang puso na ang 'yong ikinasa (sige)
Wala nang katapusan ang bala (sige)
Sigurado pulbos ang pangamba (sige)
Sa sarili ika'y tiwala (tiwala sa sarili)
Imposibleng mawalan ng gana (yeah)
Kahit na pilitin ka pang ibaba (sige)
Tuso lamang ang takot sa karma (sige pa)
Hala, sige na, rumagasa
Ang sabi ni Inay
"Naku po, ikaw ba'y sigurado sa gagawin mo?"
Ang sabi ni Itay
"Ano? At paano na ang mga plano?"
Hakbang palabas sa kuna, piglas sa akap ni Kuma
Gutom, sa'yo humihila, ikaw na mismo ang kukuha
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa, tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta, silaban mo na'ng mitsa
Ano'ng problema? Malamang pera (pera, pera, pera)
Puwede bang teka? Kalagan mo na kaluluwa mo sa bodega
Ano ba'ng tema ng buhay mo, repa? (Repa)
Dama at trahedya, 'di ba puwedeng maiba?
Hawak mo naman ang pluma (yeah, ha-ha-ha, yeah, ha-ha)
Alam kong kaya mo 'yan
'Wag mong titigilan
Sigehan mo pa (ahh, ha-ha-ha)
Ang sabi ni Inay
"Naku po, ikaw ba'y sigurado sa gagawin mo?"
Ang sabi ni Itay
"Ano? At paano na ang mga plano?"
Hakbang palabas sa kuna, piglas sa akap ni Kuma
Gutom, sa 'yo humihila, ikaw na mismo ang kukuha
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa, tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta, silaban mo na'ng mitsa
Ano? Sige pa, ibuhos mo, ibuhos mo (sige)
Sibak na, silaban mo na ang mitsa
Silaban mo na ang mitsa
Silaban mo
Written by: John Paulo Nase, Joshua Daniel Nase
instagramSharePathic_arrow_out