Lyrics

Ooh
Ooh
Kailan ba ako magiging payapa?
(Kailan?) 'Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala, uh
Kahapon ay hindi na lumipas
'Di ko rin alam kung mayro'n bang bukas (bukas)
Pilit nga na nangangapa
Sa alam na ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim
Liwanag ang kaniyang lihim
Sinubukang alamin saloobin
Tumingin sa salamin
Ngayon, ano'ng aking gagawin?
Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo
Kung pagtingin sa salamin, nakangiting ikaw pa rin?
'Di mo na kailangan na magkunyaring iba
'Lam naman natin na mas komportable ka
Sa walang "sana," walang dismaya
Makatotohanan lang, walang iba
Buksan mo ang iyong isipan (ayy)
Kakitira'y gawing kalawakan (ayy)
Ang katotohana'y 'yong nahahawakan
Tuparin ang napanaginipan
That's right, play hanggang sa dulo
Uh, mayday, panay peligro
But someday, maitotono ko rin
Ang buhay ko na 'di sintunado, sing!
Kailan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba?
Ah, nah, yeah-yeah
Uh, dami nang pinagdaanan na
'Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah-yeah, ayy (ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging Ama
Ah, nah, yeah-yeah, yeah, whoa (kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba?
Ah, nah, yeah-yeah, yeah-yeah
Ooh
Ooh
Ako'y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang, ba't parang 'to'y bangungot?
'Di ko magalaw aking tuhod
Bukod pa do'n ay 'di ako makahugot ng hininga
At parang nalulunod (lunod)
Ang pakiramdam ko ay nanlulumo (lumo)
Bawat sigaw ay parang lang bumubulong
Tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
Hindi ako marunong humingi ng tulong
Ako lang ang guro sa bawat pagsubok
Kahit na lumulubog, kahit na nalulugmok
Sugod nang sugod kahit hindi matumbok
Ang puno at dulo ng aking mga gusto (gusto)
Lahat ng ito'y hindi magkakatuldok (tuldok)
Hilig ng tadhana ma'y ako'y mabugbog
Hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
Kinalaban ang nasa salamin
Kinontra Kaniyang mga gawain
'Lam naman natin na Siya'ng salarin
Sa lahat ng naging pangyayari sa 'min
Sa kabila ng lahat ng aking inakala't pagsisisi
Siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
At pagkalabog ng beat
Mga mata'y namulat sa pagkapikit (ayy)
Unti-unting gumagalaw ang mga binti (ayy)
'Di ko na pinansin ang aking paghikbi ('wag ka)
Kailan ba makakatakas dito sa kulungang
Ginawa sa 'king bumbunang takot ang naging puhunan
Nanlalamong kalungkutan, minsan nang napalibutan
Diyos ko po, pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan
Kailan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba?
Ah, nah, yeah-yeah
Dami nang pinagdaanan na
'Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah-yeah, yeah (ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't
Mananalangin sa mahabaging Ama
Ah, nah, yeah-yeah, yeah, whoa (kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba?
Ah, nah, yeah-yeah, yeah-yeah (yeah)
Kailan ba ako tunay na sasaya?
Tuluyan nang nawawala'ng aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging Ama, kailan ba?
Oh, kailan ba? Kailan ba? Kailan ba?
(Kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya (kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba?
Ah, nah, yeah-yeah (uh)
Dami nang pinagdaanan (daming pinagdaanan)
Na 'di ko inaasahan na malalagpasan
Ah, nah, yeah-yeah, yeah (ayy)
Ipipikit ko ang aking mata't (mahabaging Ama)
Mananalangin sa mahabaging Ama
Ah, nah, yeah-yeah, yeah, whoa (kailan?)
Kailan ba tunay na sasaya (kailan ba sasaya?)
Maging malaya sa takot at pangamba?
Ah, nah, yeah-yeah, yeah-yeah
Written by: John Paulo Nase, Joshua Daniel Nase
instagramSharePathic_arrow_out