Credits
PERFORMING ARTISTS
Jnske
Performer
Bullet D
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jan Quintana
Composer
Rodolfo Bulahan
Composer
Lyrics
Kie, what do you want?
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa 'tin
Pareho tayong nanlalamig, huwag mo nang pahabain
Kung bakit tayo nagkamali, huwag mong isisi sa 'kin
Hindi kita ipagpapalit, pahupain muna natin 'yong galit
Sa 'yo ko nakita kung ano'ng tunay na pag-ibig
'Kaw ang nagbigay-gabay sa puso't isip
Wala na 'kong makikita na kahawig mo sa iba
Kung mayro'n man ay mukha mo pa rin ang nakikita
Handa naman ako sa 'yong makipag-usap
Huwag mo akong talikuran
Takot na 'kong maranasan
Huwag mong hanapin sa 'kin kung ano 'yong kulang
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa 'tin
Pareho tayong nanlalamig, huwag mo nang pahabain
Kung bakit tayo nagkamali, huwag mong isisi sa 'kin
Hindi kita ipagpapalit, pahupain muna natin 'yong galit
Kamusta na? Puwede ba kitang kausapin?
Ilang araw na rin lumipas 'yong tampo mo sa 'kin
Miss ko na kumain nang kasabay ka sa 'min
Kailan kaya ulit matitikman luto mo sa 'kin?
Alam kong may galit ka pa rin
Pero sana 'wag mong masyadong masamain, 'di 'yan tama
'Di ko balak na pawalain 'yong tiwala mo sa 'kin
Dahil tayo pa rin naman sa huli ang magkasama
Hihiga sa kama
Magkukuwentuhan magdamag kahit abutin tayo ng umaga
Miss ko na tumawa sa kalsada
Habang may naggigitara, sabay nating inaawit 'yong harana
Ang saya na sana, walang halong drama
Uuwi sa bahay, parang 'di magkakilala
'Di ako sanay 'pag 'di kita napapatawa
Mahal kita kahit ayaw mo na 'kong makasama
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa 'tin
Pareho tayong nanlalamig, huwag mo nang pahabain
Kung bakit tayo nagkamali, huwag mong isisi sa 'kin
Hindi kita ipagpapalit, pahupain muna natin 'yong galit
Writer(s): Jan Quintana, Rodolfo Bulahan
Lyrics powered by www.musixmatch.com