Top Songs By Jnske
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Jnske
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jan Quintana
Songwriter
Lyrics
[Chorus]
Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam
Gusto kong iparamdam sa'yo, all night
Baby, hold tight, don't be scared
Baby, it's alright, 'cause I'm in love with you
[Verse 1]
Lately ko lang napatunayan na mahal na kita
Simula nagkatinginan ng mata sa mata
'Di ko maipaliwanag ang aking nadarama sa'yo
Pa'no na 'to, ano ba 'to, pusong matigas pinalambot mo
Bakit gan'to nagtatanong?
Kung ako rin ba ang laman ng iniisip mo?
Pa'no kung kumatok ako sa pintuan niyo?
Pagbubuksan mo ba kaya ang tulad ko?
Kung sakali na mangyari, sasabihin ko
'Di na magdadalawang isip na sabihin 'to
Agad, agad sasagutin ang mga tanong mo
Sana sagutin mo din ang mga tanong ko
Gusto ko na malinawan, ayoko nang gan'to
Minahal kasi kita kaya ko 'to ginusto
[Chorus]
Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam
Mahal na kita kaso nga lang hindi mo 'yon alam
Gusto kong iparamdam sa'yo, all night
Baby, hold tight, don't be scared
Baby, it's alright, 'cause I'm in love with you
[Verse 2]
Sa pagkatok ko sa pinto agad mo na pinagbuksan
Laking tuwa ko nang ika'y masulyapan
Hinawakan ang kamay mo nang hindi nagalangan
Agad sinabi kung ano ba aking nararamdaman
Nagka tinginan tayo ng mata sa mata
Naramdaman ko na meron na ngang kakaiba
Nang kinausap mo ako naguumapaw ang saya
Halos lumuha na ang aking mga mata
Hindi na nagisip ako'y nagbaka sakali
Tinanong kita, kung pwede ba sa puso mo maghari?
Wala na akong pake sa kahit ano pang mangyari
Gusto nga kasi kita kaya ko 'to sa'yo sinabi
Laking gulat ko nang biglang halik mo sa'king labi
At nagpasalamat ka sa pagkamabuti kong lalaki
Pati sa lahat, lahat ng aking mga sinabi
Sabay bulong mo sa'kin ay 'yung gusto ko 'di pwedeng mangyari
[Chorus]
Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam
Mahal na kita kaso nga lang, hindi mo 'yon alam
Gusto kong iparamdam sa'yo, all night
Baby, hold tight, don't be scared
Baby, it's alright, 'cause I'm in love with you
[Chorus]
Mahal na kita sa paraan na ako lang ang nakakaalam
'Cause I'm in love with you, baby
Mahal na kita kaso nga lang, hindi mo 'yon alam
Gusto kong iparamdam sa'yo, all night
Baby, hold tight, don't be scared
Baby, it's alright, 'cause I'm in love with you
Baby, I'm in love with you, ooh
Written by: Dominik Wirsching, Jan Quintana