Lyrics

[Verse 1]
Sabi nila, balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating ang aking panalangin
Na hindi na maikubli
[PreChorus]
Ang pag-asang nahanap ko sa'yong mga mata
At ang takot kung sakali mang ika'y mawawala
[Chorus]
At ngayon, nand'yan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di pa-aasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako
[Verse 2]
At sa wakas ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi
[PreChorus]
Ang tadhanang nahanap ko sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal
[Chorus]
At ngayon, nand'yan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako
[Chorus]
At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa sa hirap at ginhawa ay iibigin ka
Mula noon hanggang ngayon
Mula ngayon hanggang dulo
Ikaw at ako
Written by: Jason Marvin, Jason Marvin Hernandez, Moira Dela Torre
instagramSharePathic_arrow_out