Lyrics
Pipilitin ko pa ba na lumaban kahit na
Hindi na kaya pang pigilan ang bigat ng kalooban
Pipilitin ko pa ba na lumaban mag-isa
At tuluyan nang iniwan ng pag-asang kay tagal mong inasahan
Paano pumara sa biyaheng napangunahan lang ng pag aakala
Lumang antipara, lumalabo, ngayon di mo na ko kilala
Sa nasirang gitara, musika ng kahapong nagpapa alala
Kung gaano ka-gara, bulalakaw na dating nagkikislapang mga tala
Sana ganoon kadali na ma-kumpuni
Lahat nasi-rang dulot nitong masidhi kong damdaming hirap nang makaintindi
Sa ipi-nipilit ng aking malayang isipang mabago ang laging sagot niyang hindi
Sumi-sigaw man ang araw sa daloy ng hangin ay nananatiling bingi
Sinasabayan ng pagbagsak ng ulan ng damdaming tila mayro'ng nakadagan
Makulimlim na kalangitan matapos ang isang masayang kaarawan
Ano nga ba ang kaibahan kung napupuno rin ang ulap
Sa daming pinakiusap, tila ba hindi pa rin maapuhap ang sagot
Pipilitin ko pa ba na lumaban kahit na
Hindi na kaya pang pigilan ang bigat ng kalooban
Pipilitin ko pa ba na lumaban mag-isa
At tuluyan nang iniwan ng pag-asang kay tagal mong inasahan
Naglalagi sa mga pangyayaring hindi na pwedeng balikan
Sa pagpikit ko ay sabik pa ring maalala ang nakaraan
Isinusumpa ang kada araw sa halu- halong dahilan
Hanggang ngayon tanong ko'y bakit lagi na lang nawawalan
Nawili sa aking pag-iisa, sa apat na sulok ng silid na 'to, di ako naiiba
Bakit ko ba pinipilit na ako ang maging pinaka bihasa
Pinapaburan ko lalo ang mga nanggigisa
Parang esponghang araw-araw na pinipiga
Kinapa ang pintuan baka pwedeng masubukan
Alpas sa nagmistulang kulungan, sandamukal ang ipinulutan bago ko pa matutunan
Nakamasid lamang sa kalayuan, nag-aabang sa daungan, naghihintay ng bangka
Mula sa madramang pagsasadula kung maaaring makaalis na sa pampang
Patungo sa lawak ng alat, nanggaling sa tubig tabang
Mga trosong hadlang na nagsilbi kong materyales sa pagbuo ng tulang pumuno ng puwang
Ilang panggatong pa ba ang kailangan para magsiga
Apoy ng damdamin na mahirap nang gambalain, pilitin ko mang magpiga ngunit tila wala na yata
Pipilitin ko pa ba na lumaban kahit na
Hindi na kaya pang pigilan ang bigat ng kalooban
Pipilitin ko pa ba na lumaban mag-isa
At tuluyan nang iniwan ng pag-asang kay tagal mong inasahan