Top Songs By Keg

Lyrics

Ibinubulong sa hangin aking dating kinagisnan
Nananalangin kung maaaring muli pa nating masimulan
Bago liparin papalayo ang aking natagpuan
Patungo sa kawalan
Patungo sa kawalan
Mga paa na na-palyado, animo'y nakakandado
Kwago, matang di maisarado sa lumang litrato
Kung pa-paano nagbago ang paslit
Na laging nakakulong noon sa kwarto
Barto-lina na hindi mawari kung ilang taon ka na ring umaasa sa wala
Kaya ngayon hirap akong makawala
Sa sumpa na gawa ng bawat pagpili na naisip kong ito ang makakabuti
Parang tindahang biglaan na lang nalugi nang hindi man lang nasuri
Sa mga papuring hinangad na matanggap
Tila isang masamang hanging
Lumalason sa'king isip at damdamin nang pinilit malanghap
Nang matap-pakan ko ang tali, umangat
Ang muntihing pabigat
Nagka letse letse ang lahat, sa iglap, di maka kalag
Ipinak-kita ang masayang kabanata
Panahon ng aking pagkabata
Bago pa umukit ng binitiwang panata
Hanggang ako'y maka-limot sa mga
Bagay na ina-kala kong panalo
Gusot na pinipilit na maging plantsado kahit kumplikado
Sa bawat pagpikit, gano man ito sa akin kasakit
Di pa rin ako nagsasarado
Kahit di mo na to malaman
Kung pa'no ako nahihirapan
Di na rin naman pwedeng palitan mga nakasanayan
Tao rin naman ako sadyang bingi lang ang katulad mo
Ang mali ko lang ay itinuring kitang mundo
Ibinubulong sa hangin aking dating kinagisnan
Nananalangin kung maaaring muli pa nating masimulan
Bago liparin papalayo ang aking natagpuan
Patungo sa kawalan
Patungo sa kawalan
instagramSharePathic_arrow_out