Credits
PERFORMING ARTISTS
SB19
Performer
COMPOSITION & LYRICS
PABLO
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Thryo Alfaro
Producer
Lyrics
Pag gising sa umaga'y tinig mo ang paboritong himig
Di naman siguro 'to isang panaginip, pinagdarasal parati
Kaligtasan mo't mapawi, ang lungkot sa iyong mata
Di na luluha pang muli
Panahon may nagdidilim, liwanag ay sisikat din
Sabay nating haharapin
Takot sa puso'y alisin, lahat nang to'y lilipas din
Walang pagsubok na di kakayanin
Ibig ko lang ipahiwatig
Na basta may pag-ibig
Sa puso natin mag wawagi, yeah
Oh, sigurado babangon tayo
Kaya'ng lahat, ikaw at ako
Wag kang susuko, magkasama tayo
Hanggang sa dulo, ikaw at ako
Andami-dami na nating pinagdaanan nun
Bawat marka ay tanda na higit na mas matatag
Na tayo ngayon tindi ng alon, kahapon tsk, wala 'yon
Babangon tayo, padayon
At sinong nagsabing buhay magiging madali?
Sisingilin ka niyan araw-araw, bayaran mo paunti-unti
Sulitin ang bawat sandali
Isipin mong mabuti kung pa'no mo gagamitin ang sukli
Ibig ko lang ipahiwatig
Na basta may pag-ibig
Sa puso natin mag wawagi, yeah
Oh, sigurado babangon tayo
Kaya'ng lahat, ikaw at ako
Wag kang susuko, magkasama tayo
Hanggang sa dulo, ikaw at ako (Ikaw, yeah)
Ang nais kong makasama, hangga’t narito sa lupa
Kung maari lang sana, wag ka nang mawawala
Ako ay lagi mong kasangga, sa lahat ng 'yong problema, eh
Di ka nag-iisa
Oh, sigurado babangon tayo
Kaya'ng lahat, ikaw at ako
Wag kang susuko, magkasama tayo
Hanggang sa dulo, ikaw at ako
Wala na ang pangamba
Basta't ikaw ay kasama
Wala na ang pangamba
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
Written by: John Paulo Nase, PABLO