Lyrics

Sa'king puso'y nag-iisa
Mayro'ng himig na
Kumakatok sa pinto ng
Aking alaala
'Di na dapat tumitig pa
Sa'yong mga mata
Ngayon ikaw na lang
Ang nakikita
Ang alaala
Mo ay tila bago
Sa panaginip ko
Ay naro'n ka
At kahit pa ang mundo
Ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa'yo
Puso'y di mababago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo
(Pag-ibig ko'y sa'yo)
Sa'yo hanggang sa muli
Siguro nga'y nararapat lang
Ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y isang hangin na
'Di mo madarama
('Di mo madarama)
'Di na dapat tumitig pa
Sa'yong mga mata
Pagkat ikaw pa rin
Ang nakikita
Tanging pag-asa
Ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y
'Di nawala
At kahit pa ang mundo
Ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa'yo
Puso'y 'di mababago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo
(Pag-ibig ko'y sa'yo)
Sa'yo hanggang sa huli
Kung pinagtagpo
Tayong dalawa'y para sa isa't isa
At nasabi ko ang lahat noon
Ay may mababago ba
Sa aking bawat paghinga
Dalangi'y makapiling ka
At kung ito na ang huli
(Ang huli)
Nais kong malaman mo na
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo
(Pag-ibig ko'y sa'yo)
Sa'yo hanggang sa huli
Written by: Han Tae Soo, John Paul Nase, PABLO
instagramSharePathic_arrow_out