Credits
PERFORMING ARTISTS
justin
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Justin De Dios
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Radkidz (PABLO and josue)
Producer
Lyrics
[Verse 1]
O kaibigan ko, bakit ba ganito
Para bang isang misteryo
O kaibigan ko, 'di mapagtanto
Kung ano ang sinasabi ng
Mga mata sa tuwing ikaw ay tumititig
Sa pag-alon ng dagat, ikaw ay lumapit
[PreChorus]
Ang tanong ngayon ay, bakit
Sa kamay ko pa kumapit?
Kung walang ibig sabihin
Ba't gan'yan ang 'yong tingin?
[Chorus]
'Di na maalis sa isipan ko ang lahat ng 'to
Gabi-gabi ka nang gumugulo
Maaari bang sabihin kung ano
Ang sinasabi ng mga mata mo?
Oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh
Oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh
Sinasabi ng mga mata mo
[Verse 2]
O kaibigan ko, bakit ba ganito?
Para bang may tinatago
O kaibigan ko na nagbabago
'Pag ako'y kinakausap
Na parang bawat salita ay hinihimig
Sa pag-ihip ng hangin, ako ay lumapit
[PreChorus]
Ang tanong ngayon ay, bakit
Hinayaan na kumapit?
Tunay bang nilalamig, o yakap ko ang ibig?
[Chorus]
'Di na maalis sa isipan ko ang lahat ng 'to
Gabi-gabi ka nang gumugulo
Maaari bang sabihin kung ano
Para sa iyo mga yakap ko?
[Bridge]
O kaibigan ko, bakit ganito?
O kaibigan ko, o sabihin mo
O kaibigan ko, bakit ganito?
O kaibigan ko, o sabihin mo
[Chorus]
Oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh
Sabihin mo, bakit?
Oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh-oh, oh, oh
Sabihin mo, bakit?
Kung ano ang sinasabi ng mga mata mo
[Outro]
O sinabi mo na nakatagpo't
Para bang kayo'y perpekto
O sinabi mo, 'di sigurado
Na kayo hanggang sa dulo
Ako ay ngumiti habang nakatitig
At umagos ang luha sa aking pakikinig
Written by: Justin De Dios