Lyrics
Huwag kang magpapaalam
'Tignan ang aking tandang panamdam
Sana'y sundin mo ang aking kahilingan bago ka sunduin
Nakikita kitang 'di na umuusad
Nabubura ang mga guhit sa palad
'Pag talikod mo'y tuluy-tuloy sa lakad
Pupunta na sa diyos mo't magbabayad
Tumingin ka sa liwanag
Nang makitang 'di ka bihag
Ng sundo at tagalatag
Oras pa para pumalag
Hakbang mong madalian
Ako mismo'y haharang
Ipipili ka ng daan
Malayo 'to sa hantungan
Wala pang takdang oras ng pagbubungkal
Hindi rin sumusuko ang aking dasal
Hangga't may enerhiya ka't kahit hingal
Hindi kita isusuko sa may kapal
Hakbang mong madalian
Ako mismo'y haharang
Ipipili ka ng daan
Malayo 'to sa hantungan
Nakikita kitang 'di na umuusad
Nabubura ang mga guhit sa palad
'Pag talikod mo'y tuluy-tuloy sa lakad
Pupunta na sa diyos mo't magbabayad
Tumingin ka sa liwanag
Nang makitang 'di ka bihag
Ng sundo at tagalatag
Oras pa para pumalag
Datnan man ng oras na 'di makatakas
Ibuhos na ang lakas
Patuloy kang pumiglas
Ibuhos na ang lakas
Patuloy Kang pumiglas
Ibuhos na ang lakas
Laban lang hanggang wakas