Credits
PERFORMING ARTISTS
John Roa
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Roa
Songwriter
Lloyd Oliver Corpuz
Songwriter
Lyrics
Tumingin ka sa akin
May gusto lang akong linawin
'Di naman magagalit
Sagutin mo lang ako kung bakit
May luha pa rin sa 'yong mata
Lungkot ba'y hindi ko nabura
Akala ko tayo ay masaya
Ngiti mo ay tila ba pilit
Puso mo ba'y 'di ko nasagip
Umaasa ka pa bang may bumalik?
'Wag nang pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap ng 'yong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Bakit 'di mo maamin
Ang iyong mapaglarong damdamin?
Naging akin ba talaga ang puso mo?
Na tila naiwanan sa kanya
Kahit sa akin ka
Hindi ko maiwasang magtaka
'Wag nang pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap ng 'yong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
'Di ka naman akin talaga
Simula pa nung simula
Hindi naman tayo talaga
Pinapalaya na kita
'Di ka naman akin talaga
Simula pa nung simula
Hindi naman tayo talaga
Pinapalaya na kita
'Wag nang pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap ng 'yong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
'Wag nang pahirapan
Ang mga puso
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Ang hinahanap ng 'yong mga yakap
Sabihin na ang totoo
Alam kong hindi ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
Written by: John Roa, Lloyd Oliver Corpuz