Top Songs By Sarah Geronimo
Credits
PERFORMING ARTISTS
Sarah Geronimo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Roa
Songwriter
Jin Chan
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Jin Chan
Producer
Lyrics
[Verse 1]
Sinusulit bawat saglit
Mga nakaw nating sandali, oh
Nananabik nang palihim
Kasalanan ba ang humiling na
[Verse 2]
Malaya kang makapiling
Sa pag himbing at pag gising
'Di na kailangang sabihin
Paalam, nagpaalam ba?
Ikaw ang tanging tahanan
Na uuwian ko bawat araw-araw
At habang buhay na, paano ba?
[PreChorus]
'Di nila alam, 'di pinapaalam
'Di na kaya pang magtagu-taguan
'Di ba pwede na magmahalan na
'Di lang tayo ang tanging may alam
[Chorus]
Pa'no ipagsisigawan
Na ikaw lang ang gusto at kailangan? (Ikaw lang)
Pa'no mo isisigaw sa lahat na
Ika'y akin, kung mundo ang kalaban?
Pa'no ba ipaglalaban, laban 'to kung
'Di nila alam, 'di pinapaalam
'Di na kaya pang magtagu-taguan
'Di ba pwede na magmahalan na
'Di lang tayo ang tanging may alam
[Verse 3]
Nag-aabang na dumating
Ang araw na hinihiling ko
Malaya nilang maririnig
Ang sinisigaw ng dibdib ko
[Verse 4]
Ikaw ang aking napili
Sa'yo lang mananatili
'Di na kailangang ilihim
Na sa akin ka, sa'kin lang
Gusto ko nang ipangalandakan
Nang walang pag-aalinlangan
Ikaw na ikaw lang, pero pa'no ba?
[PreChorus]
'Di nila alam, 'di pinapaalam ('Di nila alam)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (Sa liwanag ng buwan)
'Di ba pwede na magmahalan na (Gusto kang mahalin)
'Di lang tayo ang tanging may alam, oh
[Chorus]
Pa'no ipagsisigawan
Na ikaw lang ang gusto at kailangan? (Ikaw lang)
Pa'no mo isisigaw sa lahat na
Ika'y akin, kung mundo ang kalaban?
Pa'no ba ipaglalaban, laban 'to kung
'Di nila alam, 'di pinapaalam
'Di na kaya pang magtagu-taguan
'Di ba pwede na magmahalan na
'Di lang tayo ang tanging may alam
[Bridge]
Alam kong sawa ka nang itago ang tayo sa kanila
Ako rin naman, hindi mo alam ako'y matagal nang handa
Na ipaglaban ka kahit kanino, handa ka samahan
Kahit ilang kilometro man ang ating lalakbayin
Hanggang sa makarating 'di ka bibiguin
Dahil sa totoo lang wala naman sa'kin ibang
Mahalaga ikaw lang, kahit ano pang
Sabihin nila 'la kong pakialam
Kung 'di madali ang piniling tahakin
Pero tibayan lang natin ang kapit
May mabigat mang nakasabit
'Wag kang mangangawit
'Yung tayo ang mahalaga
[PreChorus]
'Di nila alam, 'di pinapaalam ('Di nila alam)
'Di na kaya pang magtagu-taguan (Sa liwanag ng buwan)
'Di ba pwede na magmahalan na (Gusto kang mahalin)
'Di lang tayo ang tanging may alam, oh
[Chorus]
Pa'no ipagsisigawan
Na ikaw lang ang gusto at kailangan? (Ikaw lang)
Pa'no mo isisigaw sa lahat na
Ika'y akin, kung mundo ang kalaban?
Pa'no ba ipaglalaban, laban 'to kung
'Di nila alam, 'di pinapaalam
'Di na kaya pang magtagu-taguan
'Di ba pwede na magmahalan na
'Di lang tayo ang tanging may alam
Written by: Jin Chan, John Roa