Lyrics
[Verse 1]
Kailangan mong malaman
Kung kailan ka kailangan
Parang 'di na naranasang
Ikaw naman ang ipag-laban
[Verse 2]
Bakit ba laging isinasantabi
Ang 'yong sarili para sa iba?
Naghahangad sa taong 'di babalik
Subukan mo namang magpahinga
[Chorus]
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa'kin, ika'y mahalaga
[Verse 3]
Meron ngang puso
Ngunit hindi mo nakikita ito
Kahit pa tayo'y nasa sulok
'Di ka pa rin magpa-pasuyo
[Verse 4]
Konting pilit pa ba ang kailangan?
Oh, sadyang 'di ako ang gusto
Konting silip naman
Sa'king nararamdaman sa'yo
[Chorus]
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa'kin ika'y mahalaga
Ika'y mahalaga
[Bridge]
At dahan-dahang, at dahan-dahang
At dahan-dahang ihiga mo
[Chorus]
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa'kin ika'y mahalaga
[Chorus]
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa'kin ika'y mahalaga
Written by: Arthur Nery