Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Ashtine of PPOP Generation
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Amiel Isaac Sol
Composer
Lyrics
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap hanap ko
[Verse 1]
Kumakabog na naman ang dibdib
Sa pagka bahala na dala ng daigdig
Sa dami ng nangyayari
Sa'n ba ako lalapit
Kundi sa'yo lang ako kakapit
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Ika’y sasalubungin
[Verse 2]
Nais kong sumibol kasama ka
At sulyapin natin ang ating hinaharap
Ikaw lang, ikaw ang aking pahinga
Sa'yo aking gising, hanggang sa pagtulog
Sa'yo ang pagikot ng aking mundo
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Laman ka ng bawat panalangin
Ikaw ang pahinga sa bawat sandali
Patungo sa'yo ang aking tinig
At iisa lang ang sinasabi ng pintig
Ika’y sasalubungin
[Chorus]
Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa'kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Sa isang sulyap mo lang
Tila ako’y hagkan mo na
At ang mundo’y gumagaan
Written by: Amiel Isaac Sol