Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Abaddon
Abaddon
Performer
Steven Peregrina
Steven Peregrina
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Venzon Malubay
Venzon Malubay
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Terrence Villena
Terrence Villena
Mixing Engineer
Mark Lester Montecillo
Mark Lester Montecillo
Recording Engineer
Jan Aries Fuertez
Jan Aries Fuertez
Mastering Engineer

Lyrics

Sa'n ang punta mo?
Dito ka tumakbo
Dito ka tumakbo
Sa'kin ay 'di mo ke'langang makipag-siksikan
Seryosong relasyon o kahit pampalipas lang
Kahit paiyakin mo tapos ay iwan
Ako si Hidman, Hidman, Hidman
Kung nasaktan ka lang niya, sa akin ka gumanti
Ano man 'yan ay sasakyan ko, ako ay 'yong kakampi
Ako ang superherong pwedeng pang landian lang
Ako si Hidman, Hidman, Hidman
Gabi-gabi kang naiyak, lagi na lang
Dati pa yan, sabi na nga ba, panget na niyan ha? Grabe naman
Manhid ka na't balewala na ang baliwan at balibagan
Bakit ka nagpatali sa ganyan? Paano mo natatagalan?
Nakakabaliw (para kang may kasamang halimaw)
Pakakabahin (ka lagi sa tuwing patay ang ilaw)
Nag-mamadali ka kasi ng taong mamahalin
At sa tuwing magkakamali ka'y hinihimas ka ng patalim (Ahuh)
Napakalabo sobra, napakalaking mong boba
Parang ang sarap mong batuhin ng otab tapos hampasin ng bota
Ano ka ba? hoy! goma? Parausan ng inibig mong mala cobra
Palagi ka mang mapaso’ y walang kaso dahil ang dali mo lang mabola
Kung sa'kin ka’y lahat pwede, walang away, walang galit
Kung sa'kin ka lang ay sabayan lang 'lagi sa mga trip
Dahil sa'kin ay mabisa lang at walang sabit
Kung sa'kin ka’y palaging langit lang dahil, dahil
Sa'kin ay 'di mo ke'langang makipag-siksikan
Seryosong relasyon o kahit pampalipas lang
Kahit paiyakin mo tapos ay iwan
Ako si Hidman, Hidman, Hidman
Kung nasaktan ka lang niya, sa akin ka gumanti
Ano man 'yan ay sasakyan ko, ako ay 'yong kakampi
Ako ang superherong pwedeng panglandian lang
Ako si Hidman, Hidman, Hidman
Ako si Hidman, Hidman, Hidman, hid
Kahit kay'bigan lang ang 'turing mo’t kapatid
Ako si Hidman, Hidman, Hidman, hid
Kay'lan man sa'yo ay hinding hindi tatanggi
Kahit hindi ako ang piliin mo, ako’y
Nandito lang sa tabi tabi sayo’y sasalo
Sa tuwing bibitawan ka niya’t ayos lang sa’yo
Tanong ko lang naman, oh ba’t hinahayaan mo?
Anong nangyari bhe? Bakit nag-kaganyan?
'Kala ko iingatan ka niya at hinding hindi masasaktan
Wala 'kong magawa, walang karapatan
Unti-unting nadudurog habang ikaw ay minamasdan
Kapag nag-away kayo (isigaw mo lang ang pangalan ko)
Kabisado mo ang numero (ano mang oras ay tawagan mo)
Ilang hakbang lang naman para magulong mundo'y matakasan
At 'di mo na kay'langan pang lumayo, alam mo na kung sa'n ka tatakbo
Sa'kin ay 'di mo ke'langang makipag-siksikan
Seryosong relasyon o kahit pampalipas lang
Kahit paiyakin mo tapos ay iwan
Ako si Hidman, Hidman, Hidman
Kung nasaktan ka lang niya, sa akin ka gumanti
Ano man 'yan ay sasakyan ko, ako ay 'yong kakampi
Ako ang superherong pwedeng pang landian lang
Ako si Hidman, Hidman, Hidman
Written by: Venzon Malubay
instagramSharePathic_arrow_out