Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
The Juans
The Juans
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Chael Adriano
Chael Adriano
Songwriter

Lyrics

Tatlong oras na akong naghihintay ng gusto mo
Pangalawang palit mo na ng damit, kasi ayaw mo
Isa lang naman ang isip mo bakit ika'y litong-lito
Wala namang pumipilit sa ‘yo kung ‘di ka sigurado
Sabi mo "oo", ‘yun pala "hindi"
Lagi na lang ba 'kong magkakamali
Kahit ano pang piliin mo
Kayang maghintay ‘pag seryoso
‘Di kailangan na mag-atubili
Teka lang muna at ‘wag magmadali
Ganito yata ‘pag mahal mo
Dapat kang maging pasensyoso
Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso
(‘Di na maiinis)
Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso
‘Di ko alam kung sa’n ‘yung kahit sa’n
Sabihin mo kung sa’n mo gusto
‘Di na para maghulaan
Ano ba yung kahit na ano
‘Wag nang gawing komplikado
Ako ngayo'y naguguluhan
Sabi mo "oo", 'yun pala "hindi"
Lagi na lang ba ‘kong magkakamali
Kahit ano pang piliin mo
Kayang maghintay ‘pag seryoso
‘Di kailangan na mag-atubili
Teka lang muna at ‘wag magmadali
Ganito yata ‘pag mahal mo
Dapat kang maging pasensyoso
Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso
(‘Di na maiinis)
Pasensyoso
(‘Di kailangang magmadali)
Pasensyoso
Written by: Chael Adriano
instagramSharePathic_arrow_out