Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Arthur Nery
Arthur Nery
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Arthur Nery
Arthur Nery
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Arthur Nery
Arthur Nery
Producer

Lyrics

Namamalayan mo bang sa 'yo lang
Aking paningin
Nangungusap na
Lumingon sana
Habang wala pang nakakaalam
Aking diwata
Oh parusa na nga
Na 'di kita nakakausap
Sabi na nga ba't pareho lang
Wala nang bago
Nagpapaikot lang din ako
Hanggang lumabo
Ang paningin ko sa 'yo'y
Kumakapit pa lalo
Ooh habang buhay na sana
Kung 'di ka napagod
Paalam
Ang palagi mong sinasabi
Ta's babalik 'pag walang
Nahanap na tulad ng sa 'tin
Paalam lang ang palagi
Sa dalubtalaanan
Sa'ng sansinukob ba matatagpuan
Ang mundo na sinasabi mo
Ako lang ang hindi kasali
'La ng araw sa buwan
Sinabi na nga ba't pareho lang
Wala nang bago
Habang buhay na sana
Kung 'di ka napagod
Paalam
Ang palagi mong sinasabi
Ta's babalik 'pag walang
Nahanap na tulad ng sa 'tin
Paalam lang ang palagi
Ang hinaharap
Na hinahanap nating dal'wa
Ay ang kasalukuyan
Ang kasalukuyan
Tama ka nga
Pero tama na muna
Magpapaulila na lang
Tama ka nga
Pero tama na muna
Ang dami ng dahilan oh
Tama ka nga
Pero tama na muna
Balang araw na lang
Tama ka nga
Pero tama na muna
Balang araw na lang
Written by: Arthur Madrigalejos Nery Jr.
instagramSharePathic_arrow_out