Lyrics

Nakatingin, hindi alam ang gagawin
Nauutal, ano ba'ng dapat kong sabihin?
Nababaliw, 'di mapigilan aking pagngiti
Pagka ika'y sumasagi sa 'king isip
Pag-ibig na ba talaga itong nadarama?
Teka lang, parang ang bilis masyado
Nangungulila na sa 'yo bago pa makilala
Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?
Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit, tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit
Mapapansin mo kaya ang aking pagtingin
Oh, lakambini na laman ng panalangin?
Sumisigaw, 'di makatulog dahil sa kilig
Gusto ko lang naman ikaw ay makapiling
Pag-ibig na ba talaga itong nadarama?
Teka lang, parang ang bilis masyado
Nangungulila na sa 'yo bago pa makilala
Pag-ibig nga ba talaga? Pag-ibig ba?
Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit, tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit
Pag-ibig na ba talaga itong nadarama?
Sige lang, 'wag nang pinapakomplikado
Nangungulila na sa 'yo bago pa makilala
Pag-ibig nga, siya talaga, pag-ibig nga (kaakit-akit)
Gumuho man ang mundo, 'di ka mag-iisa
Mananatili at hindi 'yon magbabago (kaakit-a-)
Habang-buhay, magkasama tayong tatanda, ah
Kaakit-akit, nauulol sa iyo (nauulol sa iyo)
Sa tuwing lalapit, tanggal ang angas ko (tanggal ang angas ko)
Ika'y iibigin, iaalay ang mundo (sa 'yo iaalay ang mundo)
At sasabihing ika'y kaakit-akit
Ika'y kaakit-akit
Ika'y kaakit-akit
Written by: Joshua Buizon, Joshua Lua
instagramSharePathic_arrow_out