Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Arren
Arren
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Julius Ivan Araniego
Julius Ivan Araniego
Composer

Lyrics

Chorus
Buntong hininga
Sungkitin ang mga tala
Sinasabing kayang-kaya
Pero minsan nangingibaba
Buntong hininga
Abutin ang mga tala
Sinasabing kayang-kaya
Pero asan na nga ba
Verse 1
Gabi-gabi kausap ang sarili at daming tanong
Mga boses naririnig kaliwa't kanan bumubulong
Hindi malaman-laman kung hanggang saan to hahantong
Mga dating payo sa sarili ay nagtutong
Sinubukan ko naman lahat pero ba’t ganon
Pinatagpi-tagpi ang mga butas ng pantalon
Isip palabas, ngunit sarili’y nakakahon
Pakiramadam napag-iwanan na ng panahon
Pighati di madaan sa tulog ng ganoon-ganoon
Kahit na anong sikat ng araw, minsan aambon
Bumibigat nagtipon-tipon, halo-halong emosyon
Natatawa, naiinis, sumisigaw nalamang don
Sa tuwing pinipilit na maka-angat
Minsan ang malas sakin ay kumakagat
Ilang beses narin akong napupuyat
Ngunit patuloy parin ako na nagsusulat
Chorus
Buntong hininga
Sungkitin ang mga tala
Sinasabing kayang-kaya
Pero minsan nangingibaba
Buntong hininga
Abutin ang mga tala
Sinasabing kayang-kaya
Pero asan na nga ba
Verse 2
Minsan di maiwasan ang pananaw ko’y kumikitid
Sari-saring panaginip
Daming tanong mga mikroponong nakapaligid
Diwa’y mga naka rehas at di matahimik
Mga gabi palaging nakatulala
Sing-init ng dalampasigan ang mga mata
Iniisip ko kung pano ko ito matsatsaga
Kadalasan di maiwasan maligaw at mangapa
Sinasabi sa sarili na natuto na
Pero bakit ba ganun patuloy parin nadadapa
Lakas loob pahunan ko ngunit minsan di totoo
Nauulol, ang utak ko ay dinadaga
Na para bang nababaliw sa sulok
Ginugulok ang sarili, mga tinik na nakatusok
Dahil doon nalaman ko, hindi lahat ay kaya ko
Tatahakin kahit makapal ang usok
Written by: Julius Ivan Araniego
instagramSharePathic_arrow_out