Credits
PERFORMING ARTISTS
Healy After Dark
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Oyo Mico Cunanan Velasco
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Healy After Dark
Producer
Lyrics
[Verse 1]
Ako'y natatakot
Sa isang multong katulad mo
At napapagod
Kakahintay sa pagpaparamdam mo
Hanggang kailan?
Aasa pa ba 'ko?
'Di mapigilang
Harayain ang pakiramdam mo
[Chorus]
Kung aalis ka na
Pwede bang sabihin sa'kin
Dahil kahit walang tayo'y
Ika'y mahalaga sa akin
Hindi alam kung ba't nagpapakatanga
Kahit alam kong mawawala ka rin
Baka sakali lang
Magbago pa ang 'yong damdamin
[Verse 2]
Hindi mo pa rin
Hinihintay ang mga tawag ko
Ngunit ikaw pa rin
Ang hinahanap sa bawat gabi
'To na naman ba?
Oh, paulit ulit na lang 'to
Ako'y sawa ng
Magtanong ng paboritong kulay
[Chorus]
Kung aalis ka na
Pwede bang sabihin sa'kin
Dahil kahit walang tayo'y
Ika'y mahalaga sa akin
Hindi alam kung ba't nagpapakatanga
Kahit alam kong mawawala ka rin
Baka sakali lang
Magbago pa ang 'yong damdamin
[Bridge]
Sa'yo
May mangyayari ba kung aamin sa'yo?
Para sa'yo
Handa akong gawing mundo ang isang tao
[Chorus]
Kung aalis ka na
Pwede bang sabihin sa'kin
Dahil kahit walang tayo'y
Ika'y mahalaga sa akin
Hindi alam kung ba't nagpapakatanga
Kahit alam kong mawawala ka rin
Baka sakali lang
Magbago pa ang 'yong damdamin
Written by: Oyo Mico Cunanan Velasco