Credits
PERFORMING ARTISTS
Shehyee
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Christopher John Ongkiko
Songwriter
Thyro Alfaro
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Thyro Alfaro
Producer
Lyrics
Bata pa lang, gamer na 'ko
Panahong 'di pa ga'no maganda 'yong gano'n sa paningin ng tao
Buti na lang, nag-improve naman kahit papa'no
Kinukuwestiyon noon, ngayon tinatanong kung papa'no
'Yong mahirap sa iba, para sa 'kin 'di masyado
Hardcore? Isang pasada lang pasado
'Yon siguro ang rason kaya ngayon palalo
Mga laro-laro na nilalaro ko pa lalo
Ano ang magagawa ko? 'Di rin ako sure ba't ako nananalo
Kasasali lang, pro na nakakasalo
Gano'n din pagdating sa ibang entablado
Lahat ng inakyat ko, nakuha ko ang kampeonato
'Pag nakita na nila pangalan ko, mga kabado, hanap agad ay balato
"Bakit pa 'ko maglalaro? Kampeon na 'to"
Pakiramdam ko rin ang daya, at home kahit dayo
Ang problema, 'di pa 'to lahat ng kaya ko, malayo
Pa'no kaya kung mag-all-in na 'ko? (All-in na 'ko)
Pa'no kaya kung mag-all-in na 'ko? (All-in na 'ko)
Pa'no kaya kung mag-all-in na 'ko? (All-in na 'ko)
Pa'no kaya kung mag-all-in, all-in, all-in na 'ko? (Na 'ko)
All-in na 'ko, tama na higa, mag-o-all-in na 'ko
Makabangon nga, mag-o-all-in na 'ko
Mayro'n o wala 'kong mapala, basta all-in na 'ko
All-in na 'ko, lahat na itataya, mag-o-all-in na 'ko
Hanggang wala nang mapiga, mag-o-all-in na 'ko
Mayro'n o wala 'kong mapala, basta all-in na 'ko
All-in na 'ko
Sa totoo lang, kung noon ko pa ibinigay lahat
Ako na ang Panginoon ng Rap (huh?)
Si Eminem? Malamang matagal ko na naka-collab
Baka nga nilamon ko pa sa track (huh?)
But I ain't inspired, takes a 'ville to raise a child
Tapos halos lahat dito puro wack (huh?)
For me to give my all at 'di mag-hold back, dapat hold up
Kailangan niyo pa 'kong tutukan ng Glock
'Yon ang mindset ko dati
Parang paboritong ikalat ng mga aso sa kalye
'Yong nilalangaw, kulay-tsokolate
Na sinasabi ni Zaito palagi, "Tae"
Sa iba ako bumase, 'di tamang diskarte
Labang pansarili, may ibang sinali
Kaya 'yon, no'ng hindi niya tinanggap, yari
Nawala ang gigil, nahinto ang biyahe (biyahe)
Nawalan ng drive (skrrt)
But now I'm falling, lalo akong magda-dive (whoo)
Rap ang aking calling, I am happy to oblige
And I'ma keep going, tawagan man ng time
And I'ma do it right (uh)
Now, my only rival is me, myself, and I (uh)
'Pupusta ko na lahat, sa sarili 'lalagay
Even if the odds against me are high, mag-o-all-in na 'ko
All-in na 'ko, tama na higa, mag-o-all-in na 'ko
Makabangon nga, mag-o-all-in na 'ko
Mayro'n o wala 'kong mapala, basta all-in na 'ko
All-in na 'ko, lahat na itataya, mag-o-all-in na 'ko
Hanggang wala nang mapiga, mag-o-all-in na 'ko
Mayro'n o wala 'kong mapala, basta
Ikaw na nakikinig, para sa 'yo 'to
Kung wala sa 'yong bumibilib, 'wag kang magtampo
Tiwala ay hindi hinihingi, nakukuha 'to
Unang-una 'pag mayro'n kang tiwala sa sarili mo
Kaya nga no'ng unang berso ay sinampulan kita
Ng kahambugan, 'di ba? 'Yong tipong nakakairita
Kasi wala 'kong paki sa sasabihin ng iba
Titikom lang aking bibig kung mayro'n pala 'kong tinga
Kung para sa iba, 'yong gano'n ay pagbibida
Tanungin niyo 'yong tindero kung okay 'yong paninda niya
Buong tapang kong ipupusta itlog ko na isa
Na hinding-hindi niya 'sasagot sa 'yong "Hindi," 'di ba?
Sa bawat laban, 'wag mong iisipin
Kumpara sa 'yo ay mas magaling sila
Mga panalo ay sa utak nag-uumpisa
Kung sa simula pa lang ay gano'n ka na ay do'n pa lang, tapos ka na
At, oo, sabi ko rin pala kanina
Ay hindi pa 'ko nag-o-all-in sa iba't ibang ginagawa ko (uh, uh)
Pero ang totoo, 'tinotodo ko na lagi
Kaso ayaw kong limitahan ang potensiyal ko bilang tao (whoo)
Kaya kahit nag-o-all-in na 'ko
Sinasabi ko, "May all-in pa 'ko"
Eh, ikaw? Tara, all-in tayo
Sabihin mo, "Mag-o-all-in, all-in, all-in na 'ko"
All-in na 'ko, tama na higa, mag-o-all-in na 'ko
Makabangon nga, mag-o-all-in na 'ko
Mayro'n o wala 'kong mapala, basta all-in na 'ko
All-in na 'ko, lahat na itataya, mag-o-all-in na 'ko
Hanggang wala nang mapiga, mag-o-all-in na 'ko
Mayro'n o wala 'kong mapala, basta all-in na 'ko
All-in na 'ko, all-in na 'ko, all-in na 'ko
All-in na 'ko, all-in na 'ko, all-in na 'ko
Written by: Christopher John Ongkiko