Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
Performer
Jin Chan
Jin Chan
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
Songwriter
Jin Chan
Jin Chan
Songwriter
Denise Pimping
Denise Pimping
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Jin Chan
Jin Chan
Producer

Lyrics

Bagong araw na naman na wala ka sa tabi, yeah (wala ka sa tabi), oh
Nasa isip na naman ang aking mga mali, yeah
Kailan mo ba mapapatawad?
Kailan ka ba makakasama muli? Yeah, yeah
Ano'ng nilalaman ng puso mo? (Laman ng puso mo)
Tinangay na ng hangin
Ang aking mga panalangin
Na ika'y muling mapasaakin
Wala nang magawa kung ito ang kapalaran
Sumasabay na lang sa alon
Tinatago na lang ang takot
Na puso mo'y 'di na mababago
Wala nang magawa kung ito ang kapalaran
Kailangan ka nang marinig
Ang puso ko'y lumalamig
Sabihin mo ang kapalit ng iyong pagmamahal
Sa paglipas ng gabi na wala ka sa tabi, yeah, oh
Iniisip na naman mga pagkakamali, yeah
Paano ba mapapatawad?
Kailan ka ba makakasama muli? Yeah, yeah
Ako pa ba'ng laman ng puso mo? (Laman ng puso mo)
'Di nakaila ng hangin
Ah, aking mga panalangin
Na ika'y muling mapasaakin
Wala na bang pag-asang mabago'ng kapalaran?
Sumasabay na lang sa alon
Tinatago na lang ang takot
Na puso mo'y 'di na mababago
Wala nang magawa kung ito ang kapalaran
Kailangan ka nang marinig (kailangan ka nang marinig)
Ang puso ko'y lumalamig (lumalamig)
Sabihin mo ang kapalit ng iyong pagmamahal
Ikaw pa rin hanggang ngayon ang hanap-hanap
Sulyap sa panaginip at pangarap
Huli na ba't ito na ba ang hangganan?
Walang liwanag ang lahat nang 'ka'y mawalay
Tanging ikaw ang nagbigay ng kulay
Huli na ba't ito na ba ang hangganan?
Tinangay na ng hangin
Ang aking mga panalangin (panalangin na)
Na ika'y muling mapasaakin
Huli na ba't ito na ba ang hangganan?
Sumasabay na lang sa alon
Tinatago na lang ang takot
Na puso mo'y 'di na mababago
Huli na ba't ito na ba ang hangganan?
Ooh, ooh
Huli na ba't ito na ba ang hangganan?
Written by: Denise Pimping, Jin Chan, Sarah Geronimo
instagramSharePathic_arrow_out