Music Video

Angeline Quinto - Lipad Ng Pangarap duet with Regine Velasquez
Watch Angeline Quinto - Lipad Ng Pangarap duet with Regine Velasquez on YouTube

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Angeline Quinto
Angeline Quinto
Lead Vocals
Regine Velasquez
Regine Velasquez
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Nathanael Arnel De Pano
Nathanael Arnel De Pano
Songwriter

Lyrics

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang-hanggang bukas
Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Katuparan ng iyong pangarap
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi
Tutularan ka ng sunod na saling-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal minimithi, whoa
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay, whoa
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay
Written by: Nathanael Arnel De Pano
instagramSharePathic_arrow_out