Lyrics

"Kaya ko na bang muling magmahal
Pagkatapos maranasan ang kirot at sakit ng pag-ibig?"
Tanong sa sarili nang dahil nakilala ka
Kaya ko bang ibigay ang lahat
Na hindi natatakot na wala ka sa aking umaga?
Nabalewala na nang dahil nakilala ka
Ang himig ko, pag-ibig mo
Ang himig ng puso'y pangalan mo
Dalangin ko'y ibigin mo
Pakinggan ang himig ng puso ko
Kumikinang na'ng mga bituin
Ang liwanag ng buwan ay nagpapahinga sa 'yong mga mata
Wala nang kaba nang dahil nakilala ka
Kaya ko nang ibigay ang lahat
Na hindi natatakot na wala ka sa aking umaga
Nabalewala na dahil nakilala ka
Ang himig ko, pag-ibig mo
Ang himig ng puso'y pangalan mo
Dalangin ko'y ibigin mo
Pakinggan ang himig ng puso ko
Written by: Jin Chan
instagramSharePathic_arrow_out