Credits
PERFORMING ARTISTS
FourPlay MNL
Performer
Janine
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Pio Bagnol
Songwriter
Lyrics
Ibubulong ko na lang sa hangin
Ang aking nararamdaman
Pipilitin ko na ring limutin
Ang ating mga pinagsamahan
Kung 'di ko na rin makakamit
Ang pangarap kong ikaw
Iiwanan na lang
Ang pusong nakalaan
'Di na hahayaan pa
Na 'di ko masabi nararamdaman
Baka sakali bukas, baka bukas
Mahal mo pa siya
Oh-oh
Kung minsan nga nama'y
Mapaglaro ang tadhana
Isasabay ko na lang
Ang luha sa pagpatak ng ulan
Kung 'di ko na rin makakamit
Ang pangarap kong ikaw
Iiwanan na lang
Ang tamis ng nakaraan
'Di na hahayaan pa
Na 'di ko masabi nararamdaman
Baka sakali bukas (baka bukas), baka bukas (baka bukas)
Mahal mo pa siya
'Wag nang mag-aalala
'Di na magkakamali
Baka sakali bukas (baka bukas), baka bukas
Malaya ka na
Ihihiling ko sana sa buwan at bituin na
Hindi mo maranasan ang masaktang muli at
Nasa'n ka man, alam kong 'yong maririnig na
Sigaw pa rin ng puso'y ikaw
'Di na hahayaan pa
Na 'di ko masabi nararamdaman
Baka sakali bukas (bukas), baka bukas (bukas)
Mahal mo pa siya
'Wag nang mag-aalala ('wag nang mag-alala)
'Di na magkakamali ('di magkakamali)
Baka sakali bukas (bukas), baka bukas (bukas)
Malaya ka na
Written by: Pio Bagnol