Top Songs By Kiyo
Credits
PERFORMING ARTISTS
Kiyo
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Yukihiro Rubio
Songwriter
Lyrics
Uh, ayy
Ang tanong, bakit ba paikot-ikot? 'Di na nakatulog, nalutang
Puyat na naman ang isip ko, saan kaya matatagpuan?
Ligaw ang aking sarili, binibilog-bilog, 'la na bang katapusan?
Dami dinaanan na pasikot-sikot, 'yan ang 'di nila alam
Para saan ba?
Para saan pa pagbangon ko sa umaga?
Ang dami nang tiyansang nasayang
Ayokong tumandang tatawaging nakatsamba
O kaya nasayang, lahat ay planado
Hindi ito freestyle, dati ayaw ko sa daytime
Minsan ang hirap na din na itago
Kahit pa sa pic naka-peace sign
Ilang taon, ang dami na ngang nangyari?
Ilang taon na din akong lumalaghari?
Dami ko naiwan, dami din nabago
Mga pare, 'di bale
Pero gano'n talaga 'pag tumatagal
Nagkakaroon ng mga kaniya-kaniyang gusali
Gano'n pa din naman (naman), ako pa rin ito (ito)
Busy lang siguro
Katulad mo din akong minsan nalilito
Minsan napipikon, minsan natutuliro
Minsan nabibigo, minsan lumiliko
Tulad mo lang din ako, tao lang din ako
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako, tao lang din ako na tulad mo
Gigising sa umaga, gagawa ng pera, pera parang kahapon lang
Dami-daming oras hawak ko sa palad, pero, pero nasayang lang
Iba ang tadhana kapag nagbiro, madaming lagusan, maraming pinto
Karanasan ang nagsilbing guro, usok sa isipan kong magulo, hmm
Ang tanong, bakit ba paikot-ikot? 'Di na nakatulog, nalutang
Puyat na naman ang isip ko, saan kaya matatagpuan?
Ligaw ang aking sarili, binibilog-bilog, 'la na bang katapusan?
Dami dinaanan na pasikot-sikot, 'yan ang 'di nila alam
Ang tanong, bakit ba paikot-ikot? 'Di na nakatulog, nalutang
Puyat na naman ang isip ko, saan kaya matatagpuan?
Ligaw ang aking sarili, pero 'di papayag nang gan'to na lang
Gagawa ng paraan, parang kahapon lang
Parang kahapon lang, parang kahapon lang
Parang kahapon lang
Teka, hindi pa tapos lumaghari
'Lam mo na bakit
Pambili ko ng ticket sa sasakyang rocket
Papuntang langit
Pero hindi puwedeng huminto, uh
Mamarka parang tattoo
Sinasabi ko na, Diyos ko po
Anong mayro'n sa likod ng pinto?
Marka na dulot ng pagkabigo
Patunay na nasa laro
Palaban 'to, p're, yeah, nasa dugo
Bitbit ko aking mga kapulo (uh), yeah
Kaya mula noon hanggang ngayon
Init inipon na parang Mayon
Kaya 'pag bumuga, lahat kayo baon
Ra-ta-ta-ta, parang Bagong Taon
Hinga nang malalim, talon sa balon
Iba na 'ko ngayon, subok ng panahon
Katagang dinura, may kasamang aksiyon
Mga pangarap pumapanahon
Squad ko legit, beterano sa streets
Eat, sleep, get that peso, repeat
Take notes, mga kids, when I preach
My mama told me that I need to get rich
Kasi pangarap magarbo
'Di puwedeng matalo
Para may laman ang plato
Laging ganado sa bawat panalo, yeah
Tulala sa papel, hawak ang panulat
Iterno mga salita, buuin ang pangungusap
Lapis man mabali o tinta man kumupas
Kapag galing sa puso, tiyak tanda ng utak
Laki sa hirap, uhaw sa buhay
Sinuway magulang, walang patnubay
Sariling ruta, sakay mga tunay
Ginto sa putik, tagal mahukay
Walang dapat na patunayan
Nandito pa ako, 'yon ang patunay, yeah
Mulat ang diwa, mata mapungay
Alam na kulang, 'di pa mahusay
Maliit na bagay, nagpupugay
Dami ko pa na gustong gawin, alamin
Gusto kong bahay na salamin
Bumili nang 'di na tumingin, Ma
Kahit ano'ng gusto mo, sige, kuha
Hindi maghihintay, magkukusa
Palitan ng saya mga luha
Ingat sa nakakasalamuha
Sobra sila, 'di ka nagkulang
Sobra sila, 'di ka nagkulang, uh
Written by: Yukihiro Rubio