Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Alamat
Alamat
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Thyro Alfaro
Thyro Alfaro
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Thyro Alfaro
Thyro Alfaro
Producer

Lyrics

[Verse 1]
Nakatabing na naman ang iyong mga mata
May pahaging pero parang ayaw mong 'pahalata
Sinaktan ka na naman ba niya?
Bakit 'di ka pa nadadala?
Ang tulad mo ay tipong hindi basta binabalewala, pero
Alamat, handa 'rap
[PreChorus]
'Di niya batid ang kanyang sinasayang
Habang ako dito'y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang taga hanga mong nasa gilid lang
Pangako 'di ako nahihibang, ikaw ang aking nag iisang
[Chorus]
Maharani
Maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali
Pagibig mo ay makamtan
Lakambini
Ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala
Ako ay 'di magsasawa
Maharani
Maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali
Pagibig mo ay makamtan
Lakambini
Ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala
Ako ay 'di magsasawa
Maharani
[Verse 2]
Nakatabing mga labing nais nang isigaw
Kung sakaling papalarin ay maging ako't ikaw
Subok lang baka naman
Ito pala 'yung pang walang hanggan
'Pagkat tulad mo 'yung tipong
Kahit ano aking ilalaan, pero
[PreChorus]
'Di niya batid ang kanyang sinasayang
Habang ako dito'y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang taga hanga mong nasa gilid lang
Pangako 'di ako nahihibang ikaw ang aking nag iisang
[Chorus]
Maharani
Maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali
Pagibig mo ay makamtan
Lakambini
Ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala
Ako ay 'di magsasawa
Maharani
Maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali
Pagibig mo ay makamtan
Lakambini
Ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala
Ako ay 'di magsasawa
Maharani
[Verse 3]
Mala prinsesa sa'king paningin
Ay nababalot ng ginintuang seda
Ako'y nabibihag ng iyong mga ngiti
Na para bang naka tanikala sa selda
Pasensya na hindi naman na lihim
Ikaw ang natatanging gusto ko na makapiling
Ang bawat daan ko sa iyo na nakakiling
Sana mabigyan ng pagkakataong ibigin
[Verse 4]
Panahon ay nasasayang
'Pag pinaglalaban ang hindi ka naman kayang ipaglaban
Kaya sa'kin ka na nga lang
Ipinapangako ko ang puso ko'y magiging sa'yo lamang
Sa dami ng katunggali, 'pupunyagi
Hanggang sa ako'y magwagi
Ngunit kahit magapi ang pagtingin
Dito pa rin maglalagi
[Chorus]
Maharani
Maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali
Pagibig mo ay makamtan
Lakambini
Ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala
Ako ay 'di magsasawa
Maharani
Maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali
Pagibig mo ay makamtan
Lakambini
Ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala
Ako ay 'di magsasawa
Maharani
Written by: Thyro Alfaro
instagramSharePathic_arrow_out