Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Flow G
Flow G
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Archie Dela Cruz
Archie Dela Cruz
Songwriter

Lyrics

[Verse 1]
Alam ko na isa 'to sa na miss niyo
'Yong ako'y magpaka beast pero at least
Lagi pa ring nasa list
Kahit walang ni release 'yong mga diss
Buti na lang natiis ko kahit nakakainis
Sa unli pa lang ay panis na
Wala 'kong kailangan i please
Ako lang 'yong 'di lumusog
Pero 'yong sulat busog
'Yong beat ay palaging sunog
'Di na sumusulat nang hindi magkakatunog
'Di pa ba kayo nakatunog?
Sa'kin lang kayo makakanood
Na 'yong tiyamba magkakasunod
Kaya halatadong tulog pa 'yong taong
Nagsabi sa aking 'di pa 'ko hubog
[Verse 2]
Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog
Mga ugok magkakasabay na bulok
'Di kami 'yong dahilan kung bakit 'di na kayo patok
Sadyang 'di na pasok dito 'yong mga tira pasok
[Verse 3]
Napakadami kong naalog
Simula no'ng nakita nila 'ko tumula nang padabog
Lahat sila sa'kin pasugod
Totoo pala ang inggit ay hindi na kayang magamot
Ako lagi tampok ng mga tunog hambog
Laging may nag aamok
Kahit na wala 'kong inalok may sumasagot
Hoy, ano ba naman ambot
Parang sa buwan sumuntok
Mga pumutok pero sa pangalan namin naka buntot
Mga kumurot no'ng lumagabog
Ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot
Malamang sa malamang ay mauna pa din sila mauntog
Bago pa makarating sa tuktok, sira tuktok
Panahon niyo na maudlot kasi kami na ang taga tuldok
[Bridge]
Oh, sige, namnamin niyo lang pero pagtagal
Malalaman niyo rin ang sumatotal
Kung gusto niyong mapansin, sige lang
Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular
[Verse 4]
Hoy, 'di to madali, boy
Huwag niyo nga 'kong kinekengkoy
'Di ko na rin kayo kalebel, oy
Malaki na ang kaibahan
Kahit magtanong ka pa sa iba diyan
Basta may alam, alam niya na 'yan
Diyos ko naman 'pag 'di pa inamin ewan ko na lang
Oh, sige, eto pa baka bitin ka pa sa mga naririnig mo ngayon
Ito 'yong tipo na isang beses mo lang maririnig sa'kin kada taon
'Di 'to para sa palakpakan gusto ko lang ipangalandakan
Na hindi lang ako pang kalmahan na kantahan, 'yon ang 'di niyo nalaman
'Yon lang ang ginawa kong hakbangan hanggang sa nagka pangalan
Habang 'yong ibang kunwaring nababawan
Ginawa akong hagdanan ang daming nakulangan, nahinaan
Kailangan ko pa yatang pakitaan kaso nga lang, 'di na bale
Baka sa'kin pa madaming mayabangan
[Verse 5]
'Di mahulaan 'yong tugma
'Di lang sa dulo may suntok
Pati sa gitna mula umpisa may pinupunto 'to
Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to
Dahilan ba't nawalan ng papel 'yong iba at 'yon ang totoo
'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat
Dere deretso ang lakad patunay na mga paa'y sa lapag naka tapak
Banat nang banat hanggang matupad lahat ng mga balak mapa sa kamay
Ang hindi ko pa hawak hanggang sa lumawak kasi nga gano'n naman talaga dapat
Sa dami nang pinakalat ay bakit ang dami pa ring nasasabi na lait?
Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at sa'min sila lumalapit
Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay naadik
'Di ka na dapat nagagalit kung 'di mo gustong makisabit
[Verse 6]
Oh, gusto niyo ng flex, sige, ito pa 'yong next
Tignan niyo na lang kung sino 'yong naka abante
Kita naman kung sino 'yong naka diyamante
Daming nag kalat sa kalyeng feeling higante
Pero kapag umatake mas mabango pa 'yong tae ng elepante
Akala ko ba magaling, bakit nandiyan pa rin?
Tignan niyo na lang kami layo na ng narating
Mula no'ng kami'y dumating
Lahat sila ay naging katawa tawa na sa scene
Nakita kasing iba 'yong nag mamagaling sa tunay na magagaling
Written by: Archie Dela Cruz
instagramSharePathic_arrow_out